Panaginip

 Panaginip

akda ni Gladys Villanueva

Mahimbing na ang tulog nang mag-anak ni Lorina ng biglang…….

Lisa : Inay!Inay! gising po kayo…..lumilindol!!!
Lorina : Haaa??? Dali gisingin mo mga kapatid mo si Lito at Tessa…Diyos ko, ilayo po kami sa kapahamakan! (umiiyak na nakatingin sa altar ) Wag niyo po kaming pabayaan…parang awa Niyo na po!
Lisa : Inay ang bahay po natin umuuga na!!!!
Lito at Tessa : Hu…hu…hu…Inay natatakot po kami! (naghahagulgulang wika nila)
Lorina : Wag kayong mag-alala mga anak hindi tayo pababayaan ng Panginoon…Magsama sama na lang tayo at manalangin,halikayo…(patio siya’y naiiyak na rin )Tahan na mga anak ko…tahan na…

Unti-unting nagbagsakan ang mga tipak ng lupa sa buong bahay nila kasabay nun ang animo’y dinuduyan sila sa paghagupit ng lindol.Gusto man nilang sumigaw ngunit sa kanila’y walang nakakarinig.Madilim na tila sila’y nasa impyerno,walang halos Makita.Naririnig lang nila’y tunjog ng mga puno0ng nagbabagsakan,hanging kaylakas at mga lupang galit na animo’y naghahamon.
Sa ilang saglit lang at….
Lorina : AaAAAAAhhhhhhhh!!!!!!!

Humahangos na napasigaw si Lorina.Bigla siyang nagising sa mahimbing na pagkakatulog kamuntik na nga siyang malaglag sa kanyang kinahihigaan.
Lorina : Diyos ko! Ang sama ng panaginip ko.

Napatayo siya at dali-daling kumuha ng tubig sa kusina.Mag-aalas singko na din nun ng umaga kung kaya’t hindi na siya muling natulog.Nagsaing na lang siya at naghanda ng almusal para sa kanyang tatlong mga anak.
Matagal ng biyuda si Lorina,halos maglilimang taon na.Namatay ang kanyang asawa dahil sa sakit na cancer sa buto.Kung kaya’t siya na lang ang tumatayong ama’t ina sa kanyang mga anak. Si Lisa na labing-anim na tong gulang, si Lito na labing-isa at ang bunso na si Tessa na pitong taong gulang.Sa edad niyang 41 ay yhi9ndi na siya nagbalak pa na mag-asawa ap ulit.Ayon sa kanya,aasikasuhin niya na lang ang kanyang mga anak.

Tamang-tama,bumaba na ang tatlong bata at nag-siupo na sa harap ng hapag.Nag-umpisa na silang kumain…
Lisa : Inay,gagabihin po ako mamaya sa pag-uwi huh kase may praktis po kami ng sayaw.
Lorina : Ah ganun ba? Oh sige basta mag-iingat ka sa pag-uwi huh.Maraming mga snatcher sa panahong ito…delikado.
Lorina: Hala bilisan niyo nang kumain at baka mahuli kayo sa klase…
Lito: Tapos na po ako!!
Lorina: Oh sige kunin mo na ang bag mo at ihahatid ko na kayo…
Lisa: Inay,mauna na po ako sa inyo. (dali daling kinuha ang kanyang bag at umalis na.)
Lorina: Sige…Lito halika na!!anong oras na oh?malilate na kayo mamaya nyan ehh…
Lito: Andyan na po ‘nay!
Dali daling lumabas na silang tatlo at sumakay ng traysikel papuntang paaralan ni Lito at Tessa.
Lorina: Ayan mga anak,sige pumasok na kayo…

Teng-teng-teng!!!humuni ang bell kaya’t nagtungo na ang dalawa sa kanya-kanyang klasrum.

Nagmamadali namang umalis si Lorina pra pumasok na din sa kanyang trabaho.Nagtatrabaho siya sa City Hall bilang office clerk.Halos magtatlong taon na din siya dun.

Sumakay na si Lorina ng taxi papunta sa kanyang trabaho.Hindi naman kasi kalayuan ang City Hall sa School ng dalawang bata.
Lorina: Manong,City Hall lang po! (saad niya sa taxi driver sabay abot ng pamasahe niya )
Taxi Driver: Sige po mam.
Ilang saglit lang ay dumating na sila sa tapat ng City Hall.Bumaba si Lorina at pumasok na.
Alice: Uuuuuy Lorina??Good morning!medyo tinaghali ka nagyon ahh…
Lorina: Oo nga ehh…hinatid ko pa kasi ang dalawang bata…ehh alam mo naman! (nakakunot ang noong baling sa kausap )
Alice: Kunsabagay!wala namang ibang hahatid sa kanila kundi ikaw lang..Ahhh,Heto pala oh..may pinapagawa sayo,pak-encode na lang daw a.s.a.p.
Lorina: Ahh sige ako na ang bahala.

Inasikaso na niya ang mga papeles na dapat na niyang tapusin.Ngunit kahit anong concentrate niya hindi pa rin nawawala ang napanaginipan nya kaninang umaga.Hindi niya mawari kung bakit sa lahat ng pwedeng mapanaginipan ay yun pang lindol.
Abala siya sa pag-iisip nang….
Josephine: Loringggg!!
Ayun kasi ang tawag niya kay Lorina.Si Josephine ay malapit na kaibigan ni Lorina at halos kababata niya ito.
Lorina: H-h-h-aaa?b-b-b-aakit? (pautal-utal at nabiglang saad niya )
Josephine: Tulala ka diyan ahh…mukang malalim iniisip mo.May problema ba??
Lorina: Aaahh…w-w-la ,ano ka ba?okey lang ako,baka ikaw ang may problema.
Josephine: Ako??wla din syempre.
Lorina: Naku Josephine sa hilatsa ng mukha mo halatang may problema ka.Ano ba yun?
Josephine: May babae na namn kasi siya ehh.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko…
Mangiyak-ngiyak na sumbong niya.
Lorina: Hiwalayan mo na kasi yun…ilang beses ka na niyang niloloko.Marami pang lalak diyan hindi lang siya!Kaya cheer up.
Josephine: Hindi kasi ganun kadali yun eh…(pabagsak na sana ang kanyang luha)Sige na marammi pa akong gagawin ehh.Tsaka pala sabay na tayo sa pag-uwi mamaya huh?
Lorina: Sige ba!basta libre mo ako..ha-ha-ha (pabirong saad niya).
Pagkaalis ni Josephine ay agad namang bumalik si Lorina sa kanyang pinagkakaabalahan nang ilang saglit lang ay….

NEWSCASTER: Magandang hapon.Sinasabeng magkakaroon ng lindol sa ilang bahagi na ating bansa .Ayon sa PHIVOLCS hindi malayong magdulot din iyon ng tsunami parikular na sa mga lugar malapit sa dagat.Pinag-iingat na din ang lahat ng mamamayan lalo na ang mga naninirahan sa mga lugar na may posibilidad na magkaroon ng landslide dahil din sa lindol.
Napabalikwas si Lorina sa kanyang pagkakaupo.Lubhang binalot ng kaba ang kanyang dibdib.Di nya alam kung anong iisipin niya.May gusto kayang ipahiwatig ang kanyang panaginip??
Taranta at nawawala sa sarili si Lorina narahil hindi siya mapalagay…pinipilit niyang tapusin ang ginagawa pero parang hindi ito matapos tapos.Ilang beses siyang nagkakamali…
Gusto niyang magkwento,gusto niyang sabihin ang nararamdaman niya kahit kanino.Kay Josephine o di kaya kay Alice..Kahit kanino basta mailabas niya ang kanyang nararamdaman pati na ang kanyang napanood na balita.
Mag-aala sais na ng hapon at uwian na nila.
Josephine: Uy Loring!halika na…
Lorina: Oh sige..aayusin ko lang tong mga gamit ko.
Matapos iligpit ang kanyang mga gamit ay lumabas na ang dalawa sa kanilang opisina.
Habang naglalakad palabas ng kanilang opisina ay naikwento ni Lorina ang kanyang napanood na balita kanina.
Lorina: Napanood mo ba ang balita kanina huh?
Josephine: Bakit?
Lorina: Magkakaroon daw ng lindol sa bansa.Pinag-iingat pa nga tayong lahat ehh.
Josephine: H-h-h-aaa?(nagulat sa sinabe ng kanyang kaibigan) Wala naman akong nabalitaan ahh.Sa internet wala di eh lage naman nating kaharap to lalo namang hindi sa TV kasi naman walang TV sa loob ng opisina natin.

Napalunok si Lorina,nagyon niya lang naisip na wala nga talagang TV sa loob ng kanilang opisina.Kung ganun papaanong parang may napanood siya kanina?namamalikmata lang ba siya?Iyon ang tanging natanong niya sa kanyang sarili. Halos mataranta siya dahil sa kakaiba niyang nakikita at nararamdaman.
Josephine: Uuuy?kanina ko pa napapansing wala ka sa sarili mo.Ano bang problema?baka pagod lang yan,magpahinga ka na lang mamaya pagdating mo sa inyo.
Maya maya’y nagpapara na sila ng taxi…..
Josephine: Ayun may taxi na.,lika na sakay na tayo.
Lorina: Ahh sige.
Sumakay na sila at naupo sa likuran ng sasakyan.
Lorina: Sampalac st. lang po manong. (ika ni Lorina )

Dahil nga mauuna siyang bababa kesa sa kaibigan kaya’t siya ang naunang nagsalita.Habang bumabyahe ay di pa rin niya maialis ang kanyang kaba at pag- aalala.Ninanais niyang humingi na tulong ngunit paano kung ang lahat ng nakikita at naririnig ay puro guni-guni lang para sa iba.

Gusto niyang magsumbong sa kinauukulan ngunit paano kkung wala siyang maipakitang basehan.

Habang malalim ang kanyang pag-iisip,biglang…
Josephine: Lorina sa inyo na oh. (sabay tapik sa kaibigan)
Lorina: H-h-haaa?oo nga pala… Manong para po! Uy libre mo ko huh? (pabirong saad niya sa kanyang kaibigan )
Josephine: Oo na!! Ha-ha-ha! (nakatawang sagot naman niya sa isa)
Lorina: Sige mauna na ako… (binuksan niya ang pinto ng taxi at bumaba na )

Agad namang umalis ung sasakyan matapos niyang bumaba.
Nagsimula na din siyang lumakad sa maliit na eskinita papasok sa kanila.

Ilang saglit lang ay nakarating na siya sa kanilang bahay…
Binuksan niya ang pinto at pumasok na siya.
Lito: Inay!!!mano po… (masiglang salubong sa kanya ng pangalaang niyang anak )
Lorina: Oh!(nakangiting wika niya ) Kaawaan ka anak…
Bigla siyang napabaling sa bunsong busy sa pagsusulat.
Lorina: Ikaw Tessa??hindi ka ba magmamano kay inay huh?
Dali-dali namnag lumapit ang bata…
Tessa: Syempre po magmamano!(pangiti-ngti) Mano po ‘nay!
Lorina: Kaawaan ka din.Kamausta ang klase niyo huh? Hindi ba kayo naging pasaway?
Lito: Ako po hindi Inay! Syempre kasi malaki na ako,binata na! (nagmamayabang na pagbibida niya )
Lorina: Asus binata?may gatas ka pa nga sa labi ehh…
Ltio: Nye??!!wala kaya..di na naman ako umiinom ng gatas eh..
Tessa: Ako umiinom pa! (napatigil sa kanyang ginagawa ) Masarap kaya yun… (sabat niya sa usapan ng dalawa )Di bap o Inay??
Lorina: Oo naman! Tsaka tumutulong yun para mabilis lumaki. Oh siya mag-bibihis na ako at makapagluto na.
Tessa: Sige po… Lorina: Oh eto,fish…(nilagyan niya ng pagkain ang plato ng dalawang bata).Masarap yan!tska yung gulay para??(patanong na saad niya).
Lito at Tessa: Magiiiiiing malusog!!!!!
Lorina: Tamaaa…sige kain.Ubusin niyo yan huh?
Lito: Hmmm…sarap inay…yum…yum…yum!

Masayang nagsalo-salo ang mag-iina.Nang matapos na ay isa-isa nang nag-akyatan ang dalawang bata pagkatapos nilang magpunas.
Lorina: Matulog na kayo huh?kase bukas maaga pang gigising.
Lito:Opo inay.
Tessa: Inay gusto ko po basahan niyo ako ng kwento para makatulog ako agad.
Lorina: Sige anak…oh halika na,humiga ka na at babasahan kita ng kwento.
Nag-umpisa na nyang basahan ng kwento ang bata.,di nagtagal ay…
Lorina: And they live happily ever after…(napansin niyang mahimbing na nakatulog ang bata).

Tinignan niya ang orasan,mag-aalas diyes na pala ng gabe ngunit wala pa rin si
Lisa.Nag-aalalang tinawagan niya ito.
Kringggg…kringgg…kringgg…!!!!!!!!
Lorina: Lisa,nasaan ka na?(kausap ang anak sa selpon)anong oras na ah…Alas diyes na hindi ka pa nakakauwi.Nag-aalala na ako sayo.
Lisa: Inay,sorry po…,medyo na-extend lang kase ung praktis namin pero pauwi na po ako.Malapit na.
Lorina: Oh sige,hihintayin kita.bye.
Lisa: Sige po inay.

Bilang isang ina,lubhang nag-aalala si Lorina sa panganay niyang anak.Hindi
siya mapanatag hangga’t wala pa ito sa bahay.Delikado na kase sa panahong ito,ang daming nagkalat na snatcher o di kaya’y adik.Kung ano-anu na ang kanyang naiisip.

Tok…tok…tok!!!
Dali-dali niyang binuksan ang pinto.

Lisa: Mano po inay.Sorry po huh?
Lorina: Ok lang yun basta sa susunod wag ka nang magpapagabe ng uwi dahil delikado sa daan. Siguradong gutom ka na kaya’t magbihis ka na dun at ipaghahain na kita.
Lisa: Salamat po inay..(nakangiting saad niya sa kanyang ina.)
Umakyat si Lisa sa kanyang kwarto at ilang minuto ang nakalipas ay bumaba na siya.Dumeretso agad siya sa hapag at nagsimulang kumain.

Habang kumakain siya ay naupo naman sa tabi nya si Lorina.

Lorina:Kelan ba ipapalabas yang sayaw niyo?
Lisa:Sa makalawa na po inay,kaya nga po ginabe ako ngayon kase puspusan ang ensayo namin para sa program.
Lisa:Haay…buti naman at malapit ng matapos yung sayaw niyo na yan para di ka na gabihin ng uwi.Sige kumain ka pa.

Halatang gutom kaya’t naparami ang kain ni Lisa.

Lisa:Haay!busog na din sa wakas.
Lorina:Sige,iligpit mo na yang pinagkainan mo at umakyat ka na.Wag ka nang magpuyat huh.(pabirong dinilatan niya ang anak.)
Lisa:Opo inay!Niligpit na ni Lisa ang kanyang pinagkainan tska hinugasan.Pagkatapos ay umakyat na din ito sa kanyang kwarto.

Habang si Lorina naman ay hindi pa rin makatulog.Pasalit-salit ng pwesto para lang makatulog ngunit hindi pa rin ito dinadalaw ng antok.Masyado niyang iniisip ang mga bagay-bagay na nangyari sa kanya sa buong araw.Nangangatog ang buong katawan niya,pinagpapawisan.Di malaman kung anong gagawin,malakas ang tibok ng kanyang puso.
Tumayo siya at kumuha ng tubig tska uminom.Ilang saglit lang ay humiga siya ulit at sa wakas tamang alas-onse ng gabe’y nakatulog din siya.

Mahimbing na ang tulog ng mag-anak ni Lorina nang biglang…

Lisa:Inay!inay!gising po kayo lumilindol!!!(takot na takot na umiiyak).
Lorina:Haaa??Diyos ko totoo nga ang panaginip ko.Dali gisingin mo ang mga kapatid mo,sina Lito at Tessa.(mangiyak-ngiyak na inutusan niya ang kanyang panganay).Diyos ko po!(bumaling siya sa maliit na altar katabi ng kanyang kama.)Di ko inaasahang totoo nga ang panaginip ko…Ikaw na po ang bahala sa amin.Wag niyo pong hayaan na manganib po kami.Huuu-hu-hu..parang awa niyo na po.

Samantala…
Lisa:Lito!!gumising ka lumilindol!halika na puntahan natin si Tessa.

Gulat na gulat si Lito,wari ay di pa nahimasmasan..Pinuntahan nila si Tessa.
Lito at Lisa:Tessa!gising ka,lumilindol.

Umiiyak na ang tatlong tumungo sa kinaroroonan ng kanilang ina.
Lisa:Inay!ang bahay po natin umuuga na!
Lito at Tessa:Huuu-huu-huu…Inay natatakot po kami!
Lorina:(Umiiyak)Wag kayong mag-alala mga anak,hindi ko kayo pababayaan.Pangako ko sa inyo di ko kayo iiwan kahit anumang mangyari.Sama-sama lang tayo.
Ilang saglit lang ay unti-unting nagbagsakan ang mga tipak ng lupa galing sa matataas na lupang malapit sa kanilang bahay.

Mga puno…malalaking puno ay nagtutumbahan kasabay ng malakas na pag-alog ng lupa…animo’y dinuduyan sila patungo sa kawalan.

Magkahawak ang mag-iina…naghahagulgulan at natataknt nang biglang…

Lorina:Mga anak!!!(sigaw niya ng makitang nabagsakan ng mga sanga ng puno ang tatlo)Nawasak ang kanilang bahay.Maging ang malalaking puno na natumba ay sumalubsob sa kanilang mag-anak.

Napuruhan ang tatlo niyang anak na magkayap.Unti-unti na ding natabunan ng lupa ang kanilang bahay kasama na sila.
Lito:Inay!tulungan niyo po kami!Ayaw po naming mamatay inay!Inay!!!

Ang huling sigaw na iym ni Lito ang huli niyang narinig.Pilitin man niyang tulungan ang kanyang mga anak ay wala siyang magawa.Hindi niya natupad ang binitawan niyang pangako sa kanyang mga anak.Iyon lang at maging siya ay nawalan na ng malay.

Napapikit ang kanyang mga mata at kasunod nun ay hindi na niya alam ang kasunod na nangyari.
Blanko…Madilim…Kawalan…
Sa madilim na paligid,namulat si Lorina.May naaninag siyang isang maliit naliwanag.Sa malamya niyang katawan,may naririnig siyang tunog…tila may nagbubungkal.Hanggang sa ang maliit na liwanag na kanyang naaninag ay palaki ng palaki.

Napapikit siyang muli at tanging nakikiramdam nalang sa kanyang paligid.Nakakarinig siya ng mga boses..humahagulgol at sumisigaw.
Rescuer:Meron dito…babae buhay pa!Tulungan niyo ako.

Hinila pataas siLorina,palayo sa kadiliman na bumalot sa kanya.

Hinang-hina siya,walang lakas.
Dinala siya ng mga rescuer sa pinakamalapit na ospital
Doon siya ginamot at nagpahinga.
Ilang oras ang nakalipas,nagising si Lorina.
Lorina:Mmmm…mmm…mga anak ko!(humagulgol na napasigaw).
Doktor:Misis,relax lang po kayo…magpahinga muna kayo.
Lorina:Hindi!!!san na ang mga anak ko??san na sila?(nagpupumiglas na gustong umalis).
Doktor:Misis,wag na po kayong mag-alala.Makakasama po yan sa inyo.
Lorina:Hindi!kelangan kong makita ang mga anak ko!kelangan ko silang makita!

Di mapalagay si Lorina kaya’t walang nagawa ang doktor kundi turukan siya ng pampakalma.
Buong lugar nila Lorina ay natabunan ng lupa.Halos mabura na ito sa mapa.Marami sa mga tao ang namatay at marami pa din ang nawawala,kasama na dun ang kanyang tatlong mga anak.

Hanggang ngayon ay di pa rin sila natatagpuan.At iyon ang ikinababahala ni Josephine.

Sumunod na araw ay dumalaw sa kanya si Josephine.Hirap kung paano niya sasabihin kay Lorina ang nangyari.

Josephine:Lorina…(umiiyak)kamusta ka na?salamat at nakaligtas ka.Nagulat ako sa balita,hindi ko akalain na totoo ang sinabe mo.
Lorina: Ok lang yun,wala naming may gusto nito ehh…sila Lisa?Lito?Tessa? May balita naba sa kanila huh????(medyo kalmado man,halata pa rin ang kanyang pagkabahala sa kalagayan ng kanyang mga anak.)
Josephine: Lorina wag kang mabibigla ha…sila Lisa….a-a-a-ng m-m-mga anak mo…(pautal-utal at umiiyak na nagsasalita si Josephine sa kanyang kaibigan.)
Lorina: Ano???ba’t ka ganyan?ano bang nangyari sa kanila?sabihin mo sakin!!!(halata ang pag-aalala at galit sa kanyang reaksyon)
Josephine: Hanggang ngayon….d-d-di pa sila nakikita.Marammi ang mga biktima,kagaya din nila hindi pa rin nakikita…p-p-pero malay natin buhay pa sila. Magdasal lang tayo sa Kanya Lorina….Wag kang mag-alala.(hirap man ngunit kelangan niya pa ring sabihin ang totoo sa kaibigan.)
Lorina: A-a-a-a-no?????
Napabalikwas sa pagkakatulog si Lisa….Naririnig niyang umuungol ng kanyang ina.Sobrang lakas na tila ay nababangungot ito. Agad na man siyang tumayo atm ginising ito.

Lisa:Inay!inay!nanaginip po kayo! (nababahalang gising sa ina)
Lorina: Hmmmm…hmmm…h-h-h-aaaaa????! Akala ko totoo! (napabuntong hininga si Lorina at tila ay nabunutan ng tinik sa ikanyang dibdib.)
Agad-agad naming kumuha ng tubig si Lisa sa kusina…at pinainom ang kanyang ina.
Lisa:Ano po ba ang panaginip niyo Inay na ang sama ng pag-ungol niyo??? Kinabahan tuloy ako.
Lorina: Sobrang sama anak….sobrang sama.

At kiniwento na ni Lorina sa kanyang anak ang masamang panaginip niya.

 

THE END…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s