MALAS SA PAG-IBIG

MALAS SA PAG-IBIG ni Basma

 

“MAMA!!” sigaw ni Gian.

Kahit binatilyo na si Gian ay hindi parin niya maitago ang totoong nararamdaman tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina. Hindi siya perpekto para mawalan ng emosyon, kaya habang ibinababa ang kabaong sa nitso na kalalagyan nito ay hindi na niya napigilan ang mapaiyak ng tuluyan. Nasa tabi niya noon ang isang dalagita na laging nasa tabi niya buhat ng nakaburol pa lamang ang kanyang ina.

 

“Ian, tahan na.’Wag ka ng umiyak.” wika ni Ella habang hinahagod ang likod ni Gian.

Hindi naman ito tinugon ng binatilyo bagkus ay nagpatuloy parin sa pag-iyak.

 

Nang tuluyan ng naibaba ang kabaong at naka-alis na ang mga tao ay nandoon parin sa tabi ng puntod si Gian at hindi parin umaalis si Ella sa tabi niya. Habang ang Lolo niya ang nag-iisa na lang niyang kapamilya ay nagpasyang doon na lang siya intayin sa loob ng sasakyan.

 

“Ian, halika na. Umuwi na tayo, kanina pa nag-iintay sa sasakyan ang Lolo mo.” wika ni Ella sabay hawak sa braso ng binatilyo na akmang itatayo sa pagkaka-upo.

“Sino ka ba? Bakit ka ba laging nasa tabi ko? Bakit mo ba ako pinakikialaman? Umuwi ka na kung gusto mo, wala naman pumilit sa’yo na samahan mo ako dito.” pagalit na asik ni Gian.

“Ahm…a-ako nga pala si Ella. N-nagmamalasakit lang naman ako sa’yo. K-kasi lagi ka na lang malungkot mula ng mamatay ang Mama mo.” sagot ni Ella kahit na medyo natakot sa inasal ni Gian. Kapit-bahay siya nina Gian, matagal na niya itong pinagmamasdan. Masaya lamang ang binatilyo pag-kasama nito ang kanyang Mama at siya rin ang unang naka-alam na may sakit na Cancer sa baga ang Mama ni Gian dahil nahuli niya itong bumibili ng gamot sa butika at dahil doktor ang kanyang Ama, kaya may alam siya sa mga gamot, kaya naman alam niya kung ano ang mga gamot na binili ng Mama ni Gian. Dahil matagal na rin palang napapansin ng Mama ni Gian na laging nakamasid si Ella sa kanyang anak ay minabuting ipagtapat nito kay Ella ang kanyang sakit at nakiusap na ilihim lamang ang lahat hanggang sa namatay nga ang Ginang.

 

“Hindi ko kailangan ng pagmamalasakit mo, kaya mabuti pa layuan mo na lang ko!” galit paring wika ni Gian.

“H-hindi, hindi kita iiwan dito kahit anong mangyari.” wika ni Ella.

Hindi na muling sumagot si Gian. Napakadilim ng kalangitan at kasabay ng malakas na ulan, maya-maya pa’y narinig na nila ang pag-andar ng kotse na sinasakyan ng Lolo ni Gian. Pero tila walang pakialam si Gian at bagkus ay tuluyan ng sumalampak sa lupa at nakadukwang na umiyak sa puntod ng kanyang ina.

 

“Gian, tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Nandito lang ako, tutulungan kitang maka-move on sa mga kalungkutan mo. Pangako hindi kita iiwan, mula ngayon kai—-” hindi na natapos ni Ella ang sasabihin niya dahil bigla na lang yumakap sa kanya ang binatilyo.

                “Sige lang, iiyak mo lang. Normal lang naman na umiyak kasi tao lang tayo. May emosyon, ibuhos mo lahat ng sakit na nararamdaman mo.” pang-aalo ni Ella kay Gian habang hinahagod ang likod nito.

 

At yun na nga ang umpisa ng magandang pagkakaibigan nila.

 

After 4 years…Magtatapos na sila ng High School.             

 

Sa loob ng malaking auditorium hinahanap ni Ella si Gian, at nakita niya itong kausap ang Lolo nito.

“Hello po Lolo!” masigla at magalang na bati ni Ella kay Mr. Santillian.

“Oh hija andiyan ka na pala, tingnan mo nga kung maayos na itong toga nitong kaibigan mo at hindi kasi ako marunong mag-ayos.” sagot naman ni Mr. Santillian. Sabay harap ni Gian sa kaibigan.

“Oh babe, bakit ka nakasimangot diyan? Halika nga dito at aayusin ko ‘yang toga mo.” ani Ella na hinila si Gian para mapalapit lalo sa kanya para maayos niya ang toga.

“Babe, hindi kasi sa akin bagay ‘tong toga e.” sagot ni Gian sabay kamot sa ulo. Babe ang naging kasunduan nilang itatawag sa isa’t isa mula ng maging magkaibigan sila.

“Nako hindi!! Bagay na bagay nga e…lalong gumwapo ang babe ko.” nakangiting sagot ni Ella.

 

Maya-maya pa ay nagsalita na ang MC sa mikropono na nagsasabing mag-uumpisa na ang programa para sa mga magsisipag tapos.

 

Matapos ang graduation, masaya silang nagsalo-salo sa bahay nina Ella upang ipagdiwang ang pagka-valedictorian nito.

 

Kumakain sila sa may veranda…

“O babe ito yun inumin mo.” ani Ella sabay abot ng isang baso ng juice kay Gian.

“Salamat babe, ito nga pala ‘yon regalo ko sa’yo.” ani Gian sabay abot ng isang parisukat na kahita kay Ella.

“Naman ‘yan babe, ano ba ito? May parega-regalo ka pang nalalaman.” ani Ella na hindi maiwasang mapangiti dahil sa regalo sa kanya ng matalik na kaibigan. Ngayon lang kasi siya nito binigyan ng regalo at sa loob ng 4 na taong pag-kakaibigan nila ay siya ang laging nag-aabot ng regalo dito, pero hindi naman siya humihingi ng kahit na anong kapalit mula dito.

“Buksan mo na lang babe. Siguradong magugustuhan mo ‘yan.” ani Gian sabay kindat sa kaibigan.

Binuksan na nga ni Ella ang kahita at sa loob niyon ay isang silver bond na bracelet na may naka-emboss na mga letra na pagbinuo ay GIANELLA ang kalalabasan. Hindi na siya nakapag-salita sa sobrang pagkamangha sa regalo nito.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Gian na medyo nag-aalangan itanong ang tanong na kanyang binanggit.

“O-oo naman babe. Speechless nga ako e, kaya hindi ako nakasagot agad.” nakangiting tugon ni Ella. “Maraming salamat.” dagdag pa niya.

“Hindi mo kailangan magpasalamat. Kulang pa yan kabayaran sa lahat ng kabutihan mo sa’kin, akin na nga isusuot at ko sa’yo.” ani Gian na kinuha kay Ella ang kahita at kinuha ang bracelet upang isuot kay Ella. Dahil nakasuot pa sila ng toga kinailangan pang ililis ni Gian ang manggas ng toga ni Ella para maisuot dito ang bracelet. Laking gulat ni Gian ng pagkalilis niya ng manggas ay nakita niyang maraming pasa si Ella sa braso, matagal na niyang napupuna na nagkakaroon nga ng pasa si Ella nitong mga nakaraang araw, at ang tanging sagot lamang nito ay dahil siya ay nahulog sa hagdan, nadulas sa banyo o di kaya ay madali lang talaga itong magkapasa.

“Ella, bakit parang dumadami ang pasa mo?” hindi napigilang itanong ni Gian.

“Ahh..nahulog—-” hindi na natapos ni Ella ang pagsagot dahil pinutol na siya ni Gian sa sasabihin niya.

“Nahulog ka sa hagdan? Nadulas ka sa banyo o talagang mabilis ka lang magkapasa? Matagal na ‘yang mga dahilan mo na ‘yan ahh…ano ba talaga Ella? May nililihim ka na naman sakin e.” ani Gian na tila naiinis na sa paulit-ulit na dahilan ni Ella sa kanya.

“Madali lang talaga ako magkapasa babe.” tila kinakabahang sagot ni Ella.

“That’s the same reason you told me weeks ago. And I won’t buy any same reason. Why don’t you just be honest?” ani Gian na hindi na napigilan mag-ingles. Ganoon si Gian paggalit o ‘di kaya ay naiinis, tinatawag niya si Ella sa nickname talaga nito pagseryoso siya sa usapan nila.

“N-nagsasabi ako ng totoo.” ‘yun lang ang naisagot ni Ella at tumakbo na ito paakyat sa silid nito.

“Ella!” tawag naman ni Gian habang tinitingnan ang kaibigan na paakyat sa hagdan. Naisipan na lamang niyang umuwi dahil mukhang wala ng balak si Ella na babain siya at kausapin.

 

Pagkauwi niya agad niya itong tinext…

Gian: Babe, sorry na o. Naniniwala na ako na madali ka lang talaga magka-pasa.

Ella: Promise?

Gian: Oo nga. Kailan ba tayo mag-eenroll?

Ella: Mauna ka na lang siguro mag-enroll, hindi ko pa kasi alam kung kailan ako mag-eenroll e.

Gian: Ayoko! Diba sabi mo sabay tayo? Kaya iintayin kita.

Ella: Mauna ka na, please.

Gian: Ayoko! Basta iintayin kita bukas sa harap ng Letran. Hindi ako mag-eenroll hanggat wala ka.

Ella: Gian Stefan Santillan, ‘wag na matigas ang ulo mo. Mag-enroll ka na bukas okay? Magkita na lang tayo sa pasukan. Mag-iingat ka lagi babe. Mahal na mahal kita.♥

Gian: Ayoko babe! Iintayin talaga kita. Sabay tayo mag-eenroll.

 

Napabuntong-hininga na lang si Ella matapos niyang basahin ang huling text message sa kanya ni Gian. Kung alam lang sana ni Gian kung ano ang pinagdadaanan niya, kung pwede niya lang sanang sabihin dito ang lahat, subalit hindi niya talaga masabi dahil alam niyang sa kanya lang nakadepende ng katatagan ng loob si Gian. Hindi siya dapat magpakita kay Gian na pinaghihinaan siya ng loob. Naalala tuloy ulit ni Ella ang mga nangyari nung mga nakaraang linggo…

 

“Anak, netong mga nakakaraang araw parang maputla ka.” anang Mrs. San Juan ng mapansin ang anak habang kumakain.

“Opo Ma, siguro po kasi medyo napapadalas po ang pagpupuyat ko kasi inaabot na rin kami ng kung anong oras ni Gian kaka-text. Tsaka anemic po ako diba?” sagot naman ni Ella na tila wala lang sa kanya.

“Oo nga pala. Nako! Limitahan ang sarili anak, lahat ng sobra ay nakakasama. ‘Wag ganoon ha?” anang Ginang.

“Yes Ma.” sagot ni Ella na nakangiti.

 

Kinabukasan ay nahihirapan ng bumango si Ella sa kanyang kama, masakit ang likod niya at tila hinang-hina siya…napansin naman ng Mama niya na hindi pa sya bumabangon kaya pinuntahan na siya nito sa silid niya.

 

“Anak, okay ka lang ba? Hindi ka ba papasok?” tanong ni Mrs. San Juan habang papalapit sa kama ng anak.

“Papasok po ako Ma. Kaso hindi po ako makabangon, masakit po ang likod ko tsaka sinisipon po ata ako at parang uubuhin po ata ako. Nanghihina po tuloy ako.” sagot ni Ella habang nagpupumilit bumangon.

“Wag ka na muna kaya pumasok anak, kung hindi mo kaya. Ako ng bahala magbigay ng excuse letter sa teacher mo.” anang Ginang habang sinasalat ang noo ng anak.

“Sige po Ma. Itetext ko na lang din po si Gian na hindi ako makakapasok. Baka po kasi iniintay ako nun sa gate ng school.” ani Ella na talagang hindi na makabangon.

 

Ella: Babe, hindi ako makakapasok. Masama pakiramdam ko e.

Gian: O babe bakit? Anong nangyari?

Ella: Ewan ko ba babe, basta masakit katawan ko at nilalagnat ako.

Gian: Babe, puntahan kita mamaya jan sa bahay niyo ha?

Ella: ‘Wag na babe. Magkikita din naman tayo bukas e.

Gian: Sige babe. Basta siguraduhin mong bukas papasok ka ha? Pagaling ka. Mwuah!

Ella: Opo babe. Salamat. Mwuah!

 

Matapos noon ay hihiga na sana siya ng maramdaman nyang parang may tumutulong parang tubig mula sa ilong niya na agad naman niyang pinahid. Laking gulat na lang niya ng makita niyang dugo pala ang malatubig na tumulo mula sa kanyang ilong.

 

“Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!” malakas na tawag ni Ella sa kanyang ina. Dagli namang pinuntahan ni Ginang San Juan ang kanyang anak.

“Bakit anak?” ani Mrs. San Juan.

“Dumudugo po ‘yong ilong ko” natatakot na sagot ni Ella.

“Patingin nga.” ani Mrs. San Juan sabay sipat sa ilong ng kanyang anak at nakita nga nito na dumudugo ang ilong ng anak.

“Tumingala ka lang, bukas hindi ka muna ulit papasok. Pupunta tayo sa ospital at ipapa-check up kita.” anang Ginang.

“Pero Ma, sabi ko po kay Gian papasok na po ako bukas.” pagtanggi ni Ella.

“O sige. Pumasok ka bukas, pero pagkatapos ng klase mo didiretso tayo sa ospital.” ani Mrs. San Juan.

“Sige po.” matipid na sagot ni Ella.

“Inumin mo nga pala itong gamot na ito, para bumaba ‘yan lagnat mo. Inumin na din itong vitamins para lumakas ‘yan katawan mo.” ano Mrs. San Juan sabay abot sa anak ng mga gamot at baso ng tubig na agad naman nitong ininom.

 

Kinabukasan…

“Good morning babe!” masiglang bati ni Gian habang papalapit siya kay Ella na nakaupo sa upuan nito sa loob ng classroom.

“Morning babe!” ganting bati naman ni Ella na pinilit pasayahin ang boses dahil sa masama parin talaga ang pakiramdam niya.

“Bakit parang maputla ka parin babe? Hindi ka parin ba magaling?” magkasunod na tanong ni Gian sabay salat sa noo ng kaibigan.

“Magaling na ako. Medyo masakit lang ‘yon katawan ko.” sagot ni Ella na bahagya pang nginitian ang kaibigan.

“Magpacheck-up ka na kaya babe? O teka!! Bakit marami kang pasa?” ani Gian ng mahagip ng kanyang paningin ang mga braso ng kaibigan.

“Hindi na kailangan magpacheck-up. Ok lang ako…pasa? Wala lang ‘yan…nadulas lang ako sa cr kaya ayun nagkapasa-pasa ako.” sagot ni Ella na ngumiti ng pilit. Pinili niyang ilihim kay Gian ang iba pang nangyari sa kanya kahapon. Pati na rin ang pagpapacheck-up niya pagkatapos ng kanilang klase.

“Ano ba ‘yan!! Hindi ka kasi nag-iingat. Nako ka! Mamasyal tayo mamaya pagkatapos ng klase, gusto mo?” tanong ni Gian sa kaibigan.

“Wag na muna babes, may pupuntahan daw kami nina Mama e.” pagtanggi ni Ella.

“Saan kayo pupunta?” tanong naman ni Gian.

“Ahm…s-sa kaibigan ni Mama. Bibisitahin naman kasi bagong dating yata galing ibang bansa.” pagsisinungalin ni Ella.

“O sige. Bukas na lang siguro tayo mamasyal. Wala naman pasok e.” ani Gian.

Hindi na nakasagot pa si Ella dahil dumating na ang kanilang guro upang magklase at bumalik na rin si Gian sa upuan nito.

Matapos ang klase ay agad na pumunta si Ella sa parking lot kung saan nag-iintay ang kanyang Mama. Hindi na sya nagpaalam kay Gian dahil baka ihatid pa siya nito sa parking lot at malaman lang nito kung saan talaga sila pupunta at mag-aalala lamang ang kaibigan niya.

 

“Misis, ayaw ko sana kayong biglain pero may leukemia ang anak niyo.” anang doktor matapos iexamine si Ella.

“Doc, nagbibiro lang po kayo diba?.” hindi makapaniwalang sagot ni Mrs. San Juan.

“Ang mga ganitong bagay ay hindi ginagawang biro.” anang doktor sabay abot ng result ng examination kay Ella.

“Hindi po ako marunong magbasa ng ganito Doc. Pero Doktor din po ang asawa ko, kaya ipapatingin ko din sa kanya ‘to at magpapa-second opinion din po kami sa ibang doktor.” ani Mrs. San Juan na hindi parin naniniwala sa sinabi ng doktor.

“Kayo po ang bahala Misis.” anang doktor.

Paglabas ni Mrs. San Juan ay agad siyang sinalubong ni Ella.

“Ma, ano pong result?” tanong ni Ella.

“W-wala pa anak e. Babalik na lang daw tayo.” pagsisinungalin ng Ginang.

“Ganoon po ba? Sige po.” ani Ella.

“Anak, mabuti pa mauna ka na sa bahay. Sabihin mo kay Manong Danny mauna na kayo. Pupuntahan ko muna ang Papa mo sa ospital.” mahinahong sagot ni Mrs. San Juan na pinilit ngitian ang anak.

“Sige po Ma. Ingat po kayo.” ani Ella sabay halik sa pisngi ng ina. Hinaplos naman ng Ginang ang buhok ng anak. At lumabas na nga ito upang tawagin ang driver nila at umuwi na ito.

 

Pagdating sa ospital na pinagtatrabahuhan ng asawa…

“G-george!” bungad ni Mrs. San Juan sa pinto ng opisina ng asawa sa ospital.

“O hon napadaan—”  hindi na natapos ni Mr. San Juan ang kanyang sasabihin dahil patakbo siyang niyakap ni Mrs. San Juan at umiyak.

“George!” ani Mrs. San Juan habang umiiyak.

”Anong problema hon? Bakit ka umiiyak?” ani Mr. San Juan na naguguluhan sa inaakto ng asawa.

“Si Ella, mayroon siyang leukemia.” ani Mrs. San Juan habang umiiyak.

“Hon?” ani Mr. San Juan na bahagyang nilayo ang katawan ng asawa at tinitigan ng diretso sa mata. At nakumpirma nga niya na nagsasabi ng totoo ang asawa at hindi ito nagbibiro. Inabot ni Mrs. San Juan ang result ng diagnosis sa asawa at agad naman nitong binasa iyon.

“Kailangan siyang maichemotherapy habang maaga para maagapan. Nasabi mo na ba sa kanya?” ani Mr. San Juan matapos basahin ang result.

“H-hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi ko kaya George. Hindi ko kayang Makita ang lungkot sa mga mata niya pagnalaman na niya na may sakit siya.” sagot ni Mrs. San Juan.

“Namana niya ‘to kay Papa. Ito ang sakit na ikinamatay ni Papa nung binata pa ako” salaysay ni Mr. San Juan.

“George, kailangan mong gumawa ng paraan para gumaling si Ella. Hindi siya pwede m-m” umiiyak na sabi ni Mrs. San Juan. Hindi niya maituloy ang salita dahil ni sa hinuha niya ay ayaw niyang ganoon ang mangyari kay Ella.

“’Wag ka mag-alala Hon, gagawin ko ang lahat. Hindi mawawala sa atin ang nag-iisa nating anak.” ani Mr. San Juan. Paninigurado nito sa asawa.

 

                Sabado ng araw na iyon kaya walang pasok si Ella, naisipan niyang puntahan ang silid ng kanyang mga magulang upang tumabi sa pagtulog ng mga ito. Pero pagpasok niya ay wala ang mga ito, pero tumuloy parin siya. Nakita niya sa ibabaw ng mga aparador ang mga larawan ng kanyang mga magulang ng mahagip ng paningin niya ang isang papel na naka-ipit sa phonebook ng Papa niya. Kinuha niya iyon at binasa, bahagya pa siyang nagulat ng mabasa ang pangalan sa papel at napansin niya na ito ang resulta ng diagnosis sa kanya. At ang labis na tumimo sa utak niya ay ang salitang positive leukemia”. Naintindihan na niya. Mayroon siyang leukemia, kaya pala dumarami ang kanyang mga pasa at kaya pala maraming hindi maipaliwanag na nangyayari sa katawan niya. Isa lang ang agad pumasok sa utak niya. Kamatayan. Dahil sa isiping iyon ay hindi na niya napigilang mapa-iyak. Sakto naming bumukas ang pinto at iniluwa niyon ay ang mga magulang niya at nakitang umiiyak na siya.

                “Anak, anong—“ hindi na natuloy ni Mrs. San Juan ang pagtatanong dahil sa mismong nakita niya ay nasagot na niya ang kanyang tanong. Nakita na ni Ella ang resulta ng diagnosis nito.

                “M-ma P-pa, m-mamamatay na po ba ako?” nanginginig na tanong ni Ella sa magulang.

                “Hindi anak, hindi ka mamamatay. Walang mangyayaring ganoon. Ililigtas kita, ako mismo ang magpapagaling sayo.” Sagot ni Mr. San Juan. Nilapitan nila ang anak at mahigpit na niyakap.

                “Hindi ka namin pababayaan anak. Hinding-hindi.” ani Mrs. San Juan.

 

                Matapos niyang malaman na may leukemia siya ay pinag-usapan na din nila kung kalian siya ike-chemotheraphy. At siya na mismo ang nagbigay ng petsa kung kalian, napili nga niyang petsa ay pagkatapos ng kaniyang Graduation.

 

 

                Napatda si Ella sa kanyang pagbabalik-tanaw ng marahan siyang tinapik ng Mama niya.

                “Anak, handa ka na ba para mamaya?” tanong ni Mrs. San Juan sa anak na ngiti lang ang tanging itinugon.

                “Gagaling ka anak, maniwala ka. Magtiwala ka sa Diyos, gagaling ka.” Paniniguro ni Mrs. San Juan sa anak.

                “Opo Ma. Gagaling po ako.” Ani Ella na nagbigay ng isang pilit na ngiti sa kanyang Mama.

                “’Yan, ngumiti ka lang anak. Gagaling ka. Nandito lang kami lagi ng iyong Papa, hindi ka namin pababayaan.” ani Mrs. San Juan na bahagya pang hinagod ang likod ng anak at niyakap ito.

                “Ma, may hihilingin po sana ako.” pabulong na wika ni Ella sa tenga ng ina.

                “Sige anak. Kahit ano. Sabihin mo lang.” nakangiting sagot naman ng Ginang.

                “Kahit ano pong mangyari ‘wag niyo pong sasabihin kay Gian na may sakit ako. Ayoko pong kaawan niya ako, ayoko pong makita niya akong nanghihina.” ani Ella na hindi na napigilang mapatulo ang luha.

                “Oo anak.” sagot na lamang ni Mrs. San Juan.

                “Pangako po Mama?” paninigurado ni Ella.

                “Pangako anak.” Ani Mrs. San Juan na naiyak na din. Pakiramdam niya kasi ay naghahabilin na si Ella. Kinagabihan ay umalis na nga sila upang magtungo sa America at upang doon ito magpachemotherapy.

 

 Ilang araw ng napapansin ni Gian na hindi na nagtetext o nagrereply sa anumang text niya si Ella kaya naman naisip niyang sadyain na lamang ito sa sariling bahay nito. Laking gulat niya ng wala doon ang kotse ng Papa ni Ella at wala na din ang matangkad na guwardiya na laging nakabantay sa gate ng mga ito. Kaya naman napagtanto niya na marahil ay walang tao sa bahay ng kaibigan. Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kaiyang bulsa at nagmamadaling dinaial ang numero ng kaibigan. Subalit…

 

“The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later.” anang operator.

Hindi parin tumigil si Gian at dinaial muli ang numero ng kaibigan…

“Sorry this number is no longer active.” sagot muli ng operator.

            Trinay nya naman kontakin ang numero ng mga magulang ng kaibigan subalit ganoon din ang sagot ng operator. Hindi na siya mapakali kakalakad pabalik-balik sa tapat ng bahay nina Ella. Hindi naman siya paglilihiman ng kaibigan niya pero bakit bigla na lamang itong umalis ng walang paalam sa kanya. Hindi niya din lubos maisip bakit na lang umalis ang kaibigan at ang pamilya nito at hindi niya din maiwasan na sisihin ang sarili sa hindi pagpunta sa bahay nito ng mga nakaraang araw. Lungkot na lungkot siya at hindi niya parin maiwasan na hindi mag-isip hanggang sa napagdesisyunan niyang umuwi na lamang sa bahay nila.

 

            Lumipas ang mga araw at napapagod na din siyang araw-araw pumunta sa tapat ng bahay ng kaibigan pero hindi parin iyon nagging dahilan ng kanyang pagsuko. Nakatapos na din siya magpasa ng lahat ng requirements niya sa Collegio De San Juan De Letran pero ni anino ng kaibigan ay hindi niya parin nakikita, napagod na rin siya kaka-dial ng numero nito kaya naman parang nawalan na ng kabuluhan ang cellphone niya.

 

            “Hijo, bakit parang lagi ka na lang atang nagmumukmok dito sa bahay? At saka parang hindi na din dumadalaw dito sa bahay natin si Ella. Magka-away ba kayo?” tanong ng Lolo niya ng makita siya nitong nakaupo sa sofa at nakatulala lamang.

            “Hindi po ‘Lo. Wala naman pong dahilan para mag-away kami e. Wala po si Ella at ang mga magulang niya sa bahay nila. Lampas isang buwan na rin po ata buhat noong huling napadaan ako sa tapat ng bahay nila. Kaso wala parin po sila.” sagot ni Gian.

            “Pero Hijo kadadaan ko lang kanina sa tapat ng bahay nila dahil naglakad-lakad ako at bukas naman ang bahay nila. Katunayan nga ay si Gardo sa gate at nagbabantay.” anang matanda.

            Hindi na sinagot ni Gian ang sinabi ng Lolo niya at bagkus ay tumakbo na palabas ng kanilang bahay upang magtungo sa bahay ng kaibigan. Nagpasya siyang mag-bisikleta na lamang upang mabilis siyang makapunta sa bahay ng kaibigan. Napakadaming tanong ang nais niyang itanong ditto at miss na miss na din niya ito.

 

            Pagkarating na pagkarating niya sa tapat ng bahay nina Ella ay hindi na siya nag-abala pang ayusin ang pagkakaparada ng kanyang bisikleta at patakbo siyang nagtungo sa loob ng bahay ng mga ito. Subalit nahagip ng mga mata niya ang malungkot na mata ni Mang Gardo ang guwardiya. Pero hindi na lamang niya iyon pinansin at nagtuloy-tuloy na lamang siya sa loob ng bahay.

            Pagpasok na paspasok niya ay nakita niyang naka-upo sa sofa sina Mr. at Mrs. San Juan. At ang ikinataka niya ay nakasuot ang mga ito ng damit na puti na sa kanyang pagkaka-alam ay hindi usually sinusuot ng mga ito maliban na lamang kay Mr. San Juan na isang doctor. Napatingin naman ang dalawa sa kanya…

            “Tita, Tito magandang tanghali po!” magalang na bati ni Gian sa mag-asawa. Na hindi naman tinugon ng mga ito at bagkus ay binigyan lamang siya ng malungkot na tingin.

            “Ah..tita, alam ko pong kararating niyo lang. Pero gusto ko po sanang maka-usap si Ella. Nandiyan po ba siya?” tanong ni Gian.

            “M-maupo ka muna diyan Hijo. M-may kukuhain lang ako sa taas.” Ani Mrs. San Juan. Napilitan na lamang umupo si Gian kahit na parang gusto niyang tumakbo papunta sa silid ng kaibigan. Napansin ni Gian na pag-kaalis ni Mrs. San Juan ay tumungo na lamang si Mr. San Juan na labis niyang pinagtataka dahil napaka-weirdo ng mga kinikilos ng mga ito. Maya-maya pa’y bumaba na si Mrs. San Juan dala ang isang puting kahon at inabot ito sa kanya.

            “Ano po to?” naguguluhang tanong ni Gian.

            “Buksan mo Hijo.” utos sa kanya ni Mrs. San Juan. Kahit na naguguluhan ay binuksan parin ni Gian ang puting kahon na kasing laki ng kahon ng sapatos. Nagulat siya ng pagbukas niya ang laman ng kahon ay mga larawan nila ni Ella pati na din ang bracelet na niregalo niya dito at ang isang liham na nakatupi na alam niyang para sa kanya at galling iyon kay Ella dahil may nakasulat na “Babe” dahan-dahan niya iyong binuksan at binasa:

 

            Babe,

                        Pagnabasa mo ang sulat na ito…Ibig sabihin ay wala na ako. 3 weeks before our graduation, nadiagnose na mayroon akong leukemia, kaya naman after ng graduation natin ay umalis na kami patungo ng Amerika sa pagbabaka sakaling gagaling ako. Gustong-gusto kong gumaling babe, tiniis ko ang sakit ng bawat chemotherapy session ko. Gusto kong gumaling para sa pamilya ko at lalo na para sayo. Kaso babe, hindi ko na talaga kaya. Kalbo na nga ako e, tingnan mo yun picture ko. Nalagas na lahat yun buhok ko. Pero ok lang babe, siguro hanggang dito na lang talaga yun buhay ko. May hihilingin nga pala ako, gusto ko sunugin mo itong mga pictures natin, ayoko kasi na makikita mo pa ang mga ito ulit. Alam ko kasing masasaktan ka lang, gusto ko babe kalimutan mo na ako, gusto ko matapos mong basahin itong sulat ko ay masaya ka parin at ‘wag kang iiyak, okay? Kahit wala na ako sa mundo mo dito sa langit gagabayan parin kita. Mahal na mahal kita Gian, maraming-maraming salamat sa lahat ng bagay at ating pinagsamahan. Hindi kita makakalimutan babe. Mag-iingat ka lagi. Paalam.

 

                                                                                                                        Cindy Ella

 

            “Tita, is this some kind of a joke?” tanong ni Gian na pagak pang tumawa. Wala siyang sagot na nakuha mula sa mga ito pero sapat na ang pag-iyak ni Mrs. San Juan upang malaman niya na hindi biro ang lahat.

            “Saan po siya nakalibing?” tanong ulit ni Gian sa malamig na tono. Sinabi naman ng mga ito sa kanya kung saan nakalibing. Dala-dala ang kahon ay nagtungo siya sa sementeryo kung saan nakalibing si Ella. Binasa pa niya ang lapida na may nakasulat na: In Loving Memories of Cindy Ella San Juan, Date of Birth: August 8, 1995, Date of Death: May 18, 2011.

            Hindi na niya napigilan ang sarili at bumuhos na ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

            “Ella, madaya ka! Sabi mo walang lihiman! Sabi mo walang iwanan!” sumbat ni Gian sa puntod ng kaibigan habang patuloy na umiiyak.

            “Bakit mo ako iniwan ng ganito? Para ka ding si Mama, nag-iiwan na lang basta-basta.” Ani Gian sa gitna ng pag-iyak. Maya-maya pa’y bumuhos na ang malakas na ulan at wala siyang pakialam kahit mabasa pa siya. Nagbalik sa kanyang ala-ala ang mga araw na magkasama sila ni Ella sa pamamasyal at ang pagpunta nila sa Happy Lemon upang magmerienda at inoorder nito ang paborito niyang Milk Tea with Oreo and Cream at patin na rin lahat ng mga lugar na napuntahan nila. Nagbalik na naman muli sa kanya ang ala-ala niya ng mamatay ang kanyang ina. Matapos umiyak at makalma ang sarili ay nagpasya na siyang umuwi ng bahay.

            At mula din noon nagdesisyon siya na hinding-hindi na muli makikipaglapit sa iba upang maiwasan na masaktan muli ang puso niya. Ayaw na niyang makaramdam ng sakit na katulad ng mawalan ng minamahal.

 

Unang Araw ng Pasukan…

            Abala si Gian sa paghahanap ng classroom na may numerong 089 ng biglang may nabunggo siya na hindi niya napansin kung ano.

 

            “Ouch! Watch where you’re going!!!” asik ng isang hindi katangkarang dalaga na animo’y labanos sa puti, hindi katangusan ang ilong, may mabilog na mata at mapupulang labi.

            Hindi naman pinansin ni Gian ang sinabi ng nabangga niya bagkus ay nilagpasan niya lamang ito at agad na bumalik sa paghahanap ng classroom niya.

            “Hey! Aren’t you going to apologize?” sigaw ng dalagang nabangga niya. Pero nagkunwari lang siyang walang naririnig. At lumakad na palayo dito.

 

            Makalipas ang tatlumpong minuto ay nahanap niya na rin sa wakes ang kanyang classroom. Napakalaki kasi ng kolehiyong iyon kaya naman nahirapan siyang maghanap. Papasok na siya ng biglang may nabunggo na naman siya na kung anong bagay.

            “Ouch!” anag dalaga. Boses pa lang ay alam na ni Gian na ang nabunggo niya ay dalagang nabangga niya rin kanina. Hindi na lang siya tumugon at pumasok na siya sa loob ng classroom at naghanap ng mauupuan.

            “Oh it’s you again. The man who doesn’t know how to apologize!” sigaw ng dalaga. Katulad ng inaasahan ng dalaga ay dinedma na naman siya ng antipatikong lalaking iyon. Napilitan na lang siyang pumasok at naghanap ng mauupuan at nakita niyang may bakanteng upuan sa tabi ng antipatikong lalaki na bumangga sa kanya. Tiningnan niya ito matapos siyang makaupo pero hindi niya Makita ang mukha ng lalaki dahil nakatingin lang ito sa bintana na animo’y malalim ang iniisip. Naputol lang ang pagtingin niya dito ng dumating ang professor nila at nagpakilala ito.

            “Good morning! I’m your professor for this subject, my name is Ella Libunao but you can call me Miss Ella.” masiglang pagpapakilala ng magandang propesora. Dahil sa pagkakabanggit ng pangalan na Ella ay napukaw ang atensyon ni Gian at nakinig sa mga pinagsasabi nito.

            “So, since today is our first day of class. Maybe we can start by getting to know each other. Starting at the back you may stand up and tell us your name and some info about yourself.” nakangiti paring wika ng magandang propesora. Dahil si Gian ang nasa hulihan ay siya ang unang magpapakilala ng kanyang sarili.

            “My name is Gian Stefan Santillan, 18 years old and living in Manila.” ani Gian na hindi man lang nag-abalang ngumiti.

            “Well Mr. Santillan, tell us some info about yourself.” nakangiting sabi ni Ms. Ella.

            “Sorry Miss, but can’t seem to have an interesting info about myself. Thank you.” malamig na sagot ni Gian.

            “Well then, let’s proceed to the next student beside Mr. Santillan” tila napahiyang wika ni Ms. Ella. Kaya naman tumayo na ang dalagang nakabangga ni Gian kanina.

            “Good morning guys! I’m Liana Gaile Joaquin but you can call me Ana or Gaile, 17 years old, and also living here in Manila. Well I just move back here in Philippines because I spent my high school years in London. I’m hoping to be friends with you all. Thank you.” nakangiting pagpapakilala ni Liana. Subalit hindi pa siya nakakaupo ng biglang nagsalita ang isa sa mga classmate niya.

            “Can we have your number Miss?” anang isang matangkad na lalaki na nakaupo ‘di kalayuan sa kanya.

            “Ahh…next time na lang. Hindi ko kasi kabisado ‘yun new number ko e.” pagsisinungalin ni Liana na ang tunay na dahilan ay ayaw niya lamang talaga ibigay ang kanyang number. Nginitian na lamang niya ang lalaki para mapaniwalang totoo ang kanyang sinasabi.

            Matapos makapagpakilala ng lahat ay umalis na ang kanilang propesora na nagging dahilan naman upang lapitan siya ng mga classmate nya at tanungin ng mga kung ano-anong bagay tungkol sa kanya na magalang naman niyang sinagot maliban na lamang sa ibang tanong na tila below the belt na.

           

            Matapos ang mahigit 5 oras ay uwian na nila. Nagpatiunang lumabas si Liana upang maharang niya si Gian sa may pinto upang kausapin. Kaya naman ng si Gian na ang dadaan ay hinarang niya ang kanyang braso na labis naming ikinagulat nito.

            “Huh?” ani Gian na blangko ang ekspresyon ng mukha.

            “Hindi ka parin nagsosorry sa akin sa pagkakabangga mo sa akin.” ani Lian na animo nanghihingi ng kendi kay Gian at pinamungay pa ang mga mata habang bahagyang nakatingala dito.

            “Hindi ko kailangan mag-sorry. Kasalanan mo naman kung bakit kita nabangga, nakaharang ka sa dadaanan ko katulad na lang ngayon na nakaharang ka sa pinto.” Malamig paring sagot ni Gian na hindi man lang nag-abalang tingnan ang dalaga.

            “Grabe ka naman! Sa London pagnababangga ang mga babae nag-aapologize sila. Napakabastos mo naman! Sorry lang naman ang hinihingi ko pero parang kailangang bayaran ka pa ng isang milyon bago mo pa yun sabihin.” daldal ni Liana.

            “Wala ka na sa London, kaya mabuti pang ‘wag ka ng humarang sa dadaanan ko dahil kahit umiyak ka ng dugo hindi ako mag-sosorry sayo.” ani Gian na marahang tinulak si Liana upang umalis sa dadaanan niya na labis namang ikinagulat ng dalaga. Hindi kasi siya sanay sa ganoong pagtrato sa kanya.

            “BASTOS!! ANTIPATIKO!! Akala mo kung sino ka, mag-sisisi ka dahil sa ginawa mong ito.” naiinis na wika ni Liana na bahagya pang itinaas ang kamao. Hindi naman ito pinansin ni Gian at bagkus ay nagpatuloy lamang sa paglalakad palayo sa dalaga.

 

            Naglalakad na si Gian papunta sa kanilang bahay ng mapadaan siya sa tapat ng bahay nina Ella, napansin niyang may ibang tao ng nakatira sa bahay ng kaibigan dahil hindi na si Mang Gardo ang guwardiya at may ibang tao na ding nakaupo sa gazeebo malapit sa gate. Hindi na rin masyado nag-usyoso si Gian at nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Na-abutan niyang nagta-tsaa ang Lolo niya sa veranda at nakita naman siya nitong dumating.

            “Oh Hijo! Kamusta ang unang araw ng klase?” tanong ng Lolo ni Gian matapos humigop ng tsaa. Napatigil naman sa pag-lalakad papasok ng bahay si Gian upang sagutin ang tanong ng Lolo niya.

            “Ok naman po ‘Lo.” matipid na sagot ni Gian.

            “Siya nga pala Hijo, balita ko’y lumipat na ng bahay sina George at ang bahay nila diyan ngayon ay nabili ng isang pamilya galing London.” pagbabalita ng Lolo niya.

            “Nakita ko nga po ‘Lo. Sige po akyat na po ako sa kwarto ko.” pagtatapos ni Gian sa usapan nila.

            “Bakit hindi ka muna kumain? Nagluto si Lagring ng ulam diyan.” ani Lolo niya na ang tinutukoy ay ang kasambahay nila na stay-out.

            “Busog pa po ako ‘Lo. Nag-merienda po kasi ako sa school. Sige po ‘Lo.” ani Gian at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kanyang sariling silid.

            Pagpasok ni Gian ay napatingin siya sa puting kahon na nakapatong sa bed-side table niya, kaya naman naalala na naman niya si Ella. Hindi niya parin natutupad ang hiling sa kanya ni Ella na susunugin ang lahat ng bagay na makakapag-paalala sa kanya kay Ella. Ayaw niyang sunugin ang mga iyon, gusto niyang habang buhay na alalahanin ang mga ala-ala niya kasama si Ella. Hanggang ngayon ay hindi parin kayang tanggapin ng utak niya na wala na si Ella dahil sa isiping iyon ay kinuha niya ang puting kahon at tiningnan muli ang kanilang mga larawan hanggang sa hindi niya na namalayan na nakatulog nap ala siya.

 

Kinabukasan…

            Maagang nagising si Liana dahil may klase siya ng alas-siyite. Agad siyang bumangon at agad na kinuha ang salamin sa side table niya at tiningnan ang mukha kung mayroon bang mali. Habang sinisipat niya ang kanyang mukha ay may kumatok sa pinto niya.

            “Bukas po ‘yan.” sagot ni Liana sa kung sino man ang kumatok at mula sa pinto ay lumabas doon ang kanyang Daddy.

            “How was your first day of class yesterday Hija?” tanong ng Daddy niya na bahagyang tumabi sa pagkaka-upo niya sa kama.

            “Ok naman po Dad. Masaya!” maikling tugon ni Liana.

            “Good. Ang kuya mo ang maghahatid sayo mamaya.” ani Mr. Joaquin na medjo ginulo ang buhok ng anak.

            “Dad, I’m no longer a kid. Stop doing such gesture.” ani Liana na sinabayan pa ng bahagyang pag-nguso na animo’y nagtatampo dahil sa ginawa ng Daddy niya.

            “I know. I just can’t stop missing my little girls.” saad naman nito.

            “Yeah, I know Dad.” malungkot na sagot na lang ni Liana. Kahit hindi na sabihin ng Daddy niya ay alam na niya ang tinutukoy nito.

            “I better go anak. May appointment pa ako sa mga clients natin. Take care. Dad loves you so much.” ani Mr. Joaquin sabay halik sa noo ng anak.

            “You too Dad. I love you more.” ani Liana. Matapos noon ay umalis na nga ang Daddy niya, kaya naman naghanda na siya upang maligo. Matapos maligo ay nagbihis na siya at inaayos ang sarili at naglagay lamang ng konting foundation, blush on, lipstick, sinuot niya na rin ang contact lense nya at naglagay ng mascara at matapos noon ay bumaba na siya at uminom lamang ng fresh juice. Narinig niyang bumibusina na ang kuya niya sensyales na kanina pa siya nito iniintay.

            Papalabas na siya ng makita niya ang kanyang Mommy na nagdidilig ng halaman sa bagong bahay na kanilang nilipitan. Nilapitan naman niya ito upang magpaalam.

            “Mom, pasok na po ako.” pagpapaalam ni Liana na bahagyang hinalikan ang ina sa pisngi. Subalit wala siyang natanggap na tugon mula dito at bahagya pa siya nitong tinulak palayo. Nasaktan si Liana sa ginawi ng Mommy niya, pero naisip niya din na ilang taon na nga palang ganoon ang pakikitungo nito sa kanya kaya hindi na lamang niya pinansin ang ganoong pagtrato sa kanya. Lumakad na siya palabas upang sumakay sa kotse ng Kuya niya.

            “Napaka-bagal mo talagang kumilos.” ani Lance na nakakunot pa ang noon a pinakitang naiinis siya sa paghihintay dito.

            “Sorry Kuya, nagpaalam lang kasi ako kay Mommy kaya ako natagalan.” mahinang wika ni Liana sa kanyang Kuya. Alam na ni Lance kung ano ang ginawang trato ng kanyang ina sa kanyang bunsong kapatid.

            “’Wag ka na malungkot. Masanay ka na lang. Smile na ‘yan.” pagpapangiti ni Lance sa kapatid na bahagyang kinurot ang tungki ng ilong nito.

            “Kuya naman e! Maliit na nga ‘yun ilong ko tapos kinurot pa. Lalong liliit ito.” ani Liana na bahagya pang pinalo ang kamay ng kapatid.

            “Pinapatawa lang naman kita. O siya fasten your seat belt Miss.” ani Lance na bahagya pang nginitian ang kapatid at ikinabit ang seat belt ng kapatid. Matapos noon ay pinaandar na nito ang kotse.

 

            May trenta minutos din ng makarating si Liana sa school niya.

            “Bye Kuya.” pag-papaalam ni Liana sa kapatid at hinalikan ito sa pisngi.

            “Bye. Ingat ha? No boyfriend until you reach 18 okay?” wika naman ni Lance.

            “Ingat ka din Kuya. Dahan-dahan sa pagdadrive ha? Opo. No boyfriend, boyfriends lang.” sagot ni Liana na medyo tumawa pa. Pagbaling niya ay nakita niya si Gian na nakatingin sa gawi nila at ng makita niyang nakatingin ay nag-iwas ito ng tingin sa kanya at dahil doon ay lihim niya iyong ikinatuwa. Nilapitan niya ito upang kausapin pero ng makita siya nito na papalapit ay agad itong lumakad palayo pero hinabol niya parin ito kahit na hirap na hirap siya dahil siya ay naka-heels. Kaya ng maabot niya ito…

            “Hey! I caught you staring at me. You find me beautiful err?” ani Liana ng sa wakas ay maabutan niya ito sa paglalakad. Hindi naman siya pinansin ni Gian at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad na tila walang naririnig.

            “Don’t deny it babe, my eyes saw you.” panunukso niya dito na medyo kiniliti niya pa ito sa tagaliran. Hindi pa siya nakakahuma sa ginagawang pangingiliti dito ay nagulat siya ng bigla siyang tinulak nito pasandal sa pader at pinagitna siya nito sa dalawang braso nito na nakatukod sa pader.

            “Wala kang karapatang tawagin akong babe. Hindi pa ba obvious na iniiwasan kita? Na ayaw ko sayo? Ngayon malalaman mo na. Ayoko sa mga babaeng katulad mo, kaya pwede layuan mo ako!” galit na wika ni Gian. Nakita ni Gian na tila tinakasan ng dugo ang mukha ng dalaga dahil sa sobrang putla. Hindi na niya hinintay pang makasagot si Liana at mabilis na siyang naglakad palayo.

            Nagulat si Liana sa inasal ni Gian, hindi niya inaasahan na sa simpleng pagtawag niya lamang dito ng BABE ay nagalit ito ng ganoon na lang. Natakot talaga siya sa ginawa nito sa kanya, bagamat marahan ang pagkakatulak nito sa kanya ay natakot parin siya ng harap-harapan siya nitong kausapin at sabihan na ayaw nito sa kanya, unang beses na may nagsabi sa kanya ng ganoon kaya naman labis siyang nasaktan. Nanginginiig ang tuhod na dahan-dahan na rin siyang naglakad papunta sa kanyang classroom. Papasok na sana siya ng makita niya si Gian na naka-upo na sa silya na inookupa nito at dahil doon bumalik na naman ang takot na naramdaman niya kanina. Kaya imbes na tumuloy sa pagpasok ay umurong na lamang siya at bagkus ay dumiretso siya sa Registration Office upang ipabago ang kanyang schedule at classroom. Natatakot siya sa kaisipang baka may mas malala pang gawin sa kanya si Gian.

            Agad naman niyang napapalitan ang kanya schedule at kailangan niya pang mag-intay ng ilang oras dahil nagging panghapon pa kanyang bagong klase.

 

 

            Lumipas ang mga araw ay napansin ni Gian na hindi na pumapasok si Liana sa klase nila. Hindi na rin niya ito nakikita sa campus nila at sa tingin niya ay alam na niya ang dahilan. Alam naman niyang nagkamali din siya sa inasal niya noong komprontahin niya ito, subalit ang pagbanggit na lamang nito sa katagang BABE na tawagan ni Ella ay hindi talaga naiwasang magpanting ng tenga niya. Si Ella lang at wala ng iba ang may karapatan tumawag sa kanya ng ganoong kataga. Pero alam niya paring nagkamali siya at nais sana niyang humingi ng tawad sa dalaga, subalit hindi na niya ito makita.

           

            Pagpasok ni Gian kinabukasan ay nagpasya siyang dumiretso sa Registration Office upang itanong kung sa school parin nila nag-aaral si Liana.

            “Liana Gaile Joaquin po Madam.” sagot ni Gian sa tanong ng babae sa registration office.

            “IT Student, 17 years old. We still have her records here. She changed her schedule last week.” anang babae.

            “Thank you Madam.” ani Gian at lumabas na ng registration office at dumiretso na sa kanyang classroom. Matapos ang klase niya ay dumiretso siya sa labas ng campus upang doon magpalipas ng oras at hintayin na din kung darating ba si Liana. Hindi naman siya nagkamali dahil pagsapit ng ala-una y’ media ay bumaba si Liana sa isang kotse. Nakita naman siya nito at agad na naglakad ang dalaga palayo. Hinabol naman siya ni Gian upang kausapin.

            Napansin ni Liana na tila sinasabayan siya ni Gian sa paglalakad. Naisiip niya tuloy na baka kung ano na naman ang gawin nito sa kanya, kaya kahit na nahihirapan siyang medyo tumakbo dahil naka-heels siya ay pinilit parin niyang bilisan ang kanyang paglalakad. Nang biglang isang kamay ang humila sa braso niya na nagging dahilan ng pag-sigaw niya na agad naming tinakpan ang kanyang bibig.

            “Aalisin ko ‘yun takip ng bibig mo, wag kang sisigaw at wag kang mag-iiskandalo. Gusto lang kitang kausapin, maliwanag?” ani Gian habang unti-unting inaalis ang kamay niya na nakatakip sa bibig ni Liana. Pag-kaalis na pag-kaalis ng kamay ni Gian sa bibig ni Liana ay tila machine gun ang nagging pagsasalita nito.

            “Wala akong ginagawang masama sayo. Hindi na kita kinakausap at hindi na din kita ginugulo. Hindi na din ako nagpakita sayo, ‘wag mo akong sasaktan please. Hindi naman kita ginugulo e at tsaka—“ hindi na natapos ni Liana ang sasabihin dahil muli na naming tinakpan ni Gian ang bibig ng dalaga upang maawat sa pagsasalita.

            “Wala akong sinabing may gagawin ako sayong masama. I’m just here to apologize about what I did to you last week. Look, I know mali yun inasal ko kaya dahil dun humihingi ako sayo ng tawad.” yun lang ang sinabi ni Gian at tinanggal na nito ang kamay na nakatakip sa bibig ng dalaga at lumakad na palayo.

            Nabigla man sa inasal ng binata ay natuwa na rin siya sa paghingi nito ng tawad. Naisip niyang baka pwede na ulit siyang makipaglapit sa binata. Kaya naman kinabukasan ay maaga itong pumasok upang ayain sana ang binata na kumain. Sinadya niyang iniintay ito sa loob ng gate. Kaya ng makita niya ito ay agad niyang nilapitan.

 

            “Hello!” simpleng bati na nilangkapan ng simpleng ngiti ni Liana sa binata ng ganap na siyang makalapit dito.

            “Hi!” matipid na ganting bati naman ng binata.

            “May gagawin ka ba after ng klase mo?” nakangiti paring tanong ni Liana.

            “Wala.” matipid na sagot naman ng binata sa dalaga habang naglalakad na hindi man lang nag-abalang tapunan ng kahit na isang tingin ang dalaga.

            “Let’s have a lunch together.” agad na salita ni Liana matapos marinig ang nagging sagot ng binata.

            “’Wag na.” matipid na tanggi ng binata na hindi parin tumingin sa dalaga. Kaya naman napilitan na si Liana na humarang sa dinadaanan nito.

            “Sige na naman o. Minsan lang naman e.” pangungulit ni Liana na bahagyang ngumuso.

            “Ayaw ko.” sagot parin ni Gian.

            “Lunch naman e. My treat.” pang-aaya parin ng dalaga sa binata.

            “No.” pinal na sagot ni Gian na naglakad na palayo sa dalaga.

            “Hindi pwedeng no. Basta iintayin kita sa Pink Palace, 12:00pm nandoon na ako, iintayin kita Gian.” sigaw ni Liana sa binata.

 

            Pag-sapit ng alas dose ay hindi mapakali si Gian, hindi niya malaman kung pupunta ba siya sa restaurant na sinasabi ni Liana, pero talagang ayaw niyang pumunta, at bukod pa doon ay umuulan at wala siyang payong. Kaya nagpasya na lang siyang manatili muna sa loob ng campus.

Makalipas ang tatlong oras ngunit tila ayaw huminto ng ulan, kaya naman napilitan na siya bumili ng payong at naglakad na palabas ng gate. Tila may kung anong tumukso sa kanya at napilitan siyang pumunta sa Pink Palace upang silipin kung nandoon nga si Liana.

Pagdating niya sa lugar ay wala naman si Liana, pumasok din siya sa loob pero wala rin ito doon, naisip niya na marahil na pagod na ito kakaintay sa kanya, pero laking gulat niya ng paglabas niya ay may isang dalaga na naka-upo sa labas ng sulok ng reataurant at tila nanginginig sa lamig. Agad niya naming nakilala kung sino ang dalagang iyong dahil sa kulay ng suot nitong damit, agad niya iyong nilapitan.

 

“Liana!” tawag ni Gian sa dalaga na bahagya pang hinila paharap ang braso. Subalit hindi naman lumingon ang dalaga at bagkus ay napahiga na lang bigla sa sahig at nanginginig. Hindi naman malaman ni Gian ang gagawin kaya binuhat niya na lang ito at isinakay sa taxi.

“Saan po tayo Sir?” tanong ng Mamang driver kay Gian. Ngunit wala siyang maisagot dahil hindi niya naman alam kung saan nakatira ang dalaga. Agad niyang kinuha ang bag ni Liana upang hanapin ang ID nito at nakita niya doon ang address. Napalaki pa ang kanyang mata n gang mabasa niya doon ay ang address ng bahay ng matalik niyang kaibigan na si Ella. Sinabi na rin niya sa driver kung saan sila ihahatid at kumaripas naman agad ng pagpapatakbo ang driver.

 

Makalipas ang kalahating oras ay nasa harap na sila ng bahay nina Liana. Agad siyang bumaba upang mag-doorbell sa gate at nakita niya doon ang guwardiya at sinabi niya dito na kasama niya si Liana at walang malay, hindi naman nag-aksaya ng oras ang guwardiya at binuksan ang gate at binuhat si Liana mula sa pagkakahiga nito sa back seat ng taxi. Matapos bayaran ni Gian ang taxi ay sumunod na din siya sa guwardiya at pumasok sa loob ng bahay nina Liana. Pagpasok niya ay nakita niyang hiniga lang ng guwardiya ang dalaga sa sofa at hindi man lang ata iniintindi. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad niyang binuhat ang dalaga at kahit hindi niya alam ang silid nito ay napili niyang dalhin ito sa silid ng dating niyang kabigan na umuukopa sa bahay na ito dati. Hindi naman siya nagkamali ng pinagdalhan dahil silid na nga ni Liana ang dating silid ng kaibigan.

Agad siyang kumuha ng planggana sa loob ng banyo ng dalaga, nilagyan iyon ng tubig at kumuha rin siya ng bimpo upang basain at ipunas dito.

Habang pinupunasan niya ang dalaga ay napaka-init ng singaw ng katawan nito, batid niyang tumataas ang lagnat ng dalaga. Kaya naman agad siyang lumabas ng silid nito upang maghanap ng kung sino upang palitan ito ng damit. Nakita naman niya ang isang babae na sa tingin niya ay Mama ni Liana. Nagulat pa ang ginang ng makita siya.

“Magandang hapon po! Classmate po ako ni Liana, nabasa po kasi siya ng ulan, nandoon po siya sa silid niya at hindi kop o siya mapalitan ng damit. Baka po maaring kayo na lang po ang magpalit ng damit niya.” magalang na salita ni Gian, ngunit matapos niyang magsalita ay dire-diretsong naglakad ang Ginang palayo sa kanya at nakita niyang pumasok ito sa Master’s Bedroom na dating ginagamit ng mag-asawang San Juan. Nagulat man sa inasal ay naghanap parin si Gian ng kasambahay na maaring magpalit ng damit ni Ella, sa paghahanap niya ay isang lalaki ang pumasok mula sa pinto ng sala. Agad naman itong nilapitan ni Gian at nagpakilala.

“Magandang hapon po! Classmate po ako ni Liana, kaya lang po ako nandito dahil hinatid ko po siya dahil nabasa po siya ng ulan at basta na lang po nawalan ng malay, nandoon po siya sa kanyang silid at hindi kop o siya mapalitan ng damit. Baka po pwedeng kayo na lang po ang magpalit ng damit niya.” magalang na pagpapakilalal at salita ni Gian.

“Maraming salamat sa paghatid mo sa kapatid ko. Sige pupuntahan ko muna siya.” sagot naman ng lalaki na nahinuha niya na nakatatandang kapatid ni Liana. Pag-akyat nito sa itaas ay sinundan niya ito at naghintay lamang sa labas ng pinto hanggang sa bumukas ito at masilip niya na napalitan na ng damit ang dalaga. Pumasok naman siya at sinalat ang noo nito at naramdaman niyang mas tumaas pa ata ang lagnat nito.

“Kasalanan ko ito.” Bulong ni Gian na narinig pala ng Kuya ng dalaga.

“Bakit naman naging kasalanan mo?” usisa ng kapatid ni Liana at agad naman siyang sinalaysay ang nangyaring pag-uusap nila ng dalaga nung umaga.

“Pagpasensyahan mo n asana ang kakulitan niyang kapatid ko. Kulang kasi ‘yan sa atensyon, hindi ko na din kasi siya masyadong nasasamahan mamasyal kaya siguro naghahanap ng kaibigan.” paghingi ng dispensa nito para sa kapatid.

“Hindi, ayos lang. Sana pinuntahan ko na lang siya. Ahh…hindi ba natin siya paiinumin ng gamot?” pag-iiba ni Gian sa usapan.

“Allergic siya sa gamot. Nagkakapantal siya sa buong katawan paguminom siya ng gamot, ang gamot niya ay dapat nakadirect na iniinject sa mga ugat niya. Pero ayaw niya ng injection kaya medyo matatagalan siya bago gumaling.” paliwanag naman ng Kuya ng dalaga.

“Ganoon ba? Sige tutuloy na rin ako kasi basa din ang damit ko. Pagka-gising niya pakisabi na lang ‘sorry’.” ani Gian at anyong tutungo na sa pinto upang lumabas.

“Wala yun pare, ako nga pala si Lance.” sagot naman ni Lance dito.

“Gian pare, diyan lang ako nakatira, 5 blocks from your house. Sige tutuloy na ako.” ani Gian at lumabas na nga ng pinto.

 

 

            KINABUKASAN…WEEKEND…

            Maagang nagising si Gian at hanggang sa pag-gising niya ay iniisip niya parin si Liana, kaya naman naisipan ni Gian na magluto ng soup at mag-squeeze ng orange juice para dito. Nakokonsensya parin siya dahil sa nangyari sa dalaga. Kung pinunutahan na lamang niya iton marahil hindi na sana umabot sa ganoong sitwasyon. Napatda siya sa pag-iisip ng biglang magsalita ang Lolo niya na kanina pa pala siya pinapanood magluto.

            “Aba apo! Parang ngayon lang ata kita nakitang gumamit nitong kusina. Tsaka ano ba yang niluluto mo? Soup ba iyan? Alam mo naman na hindi ako kumakain niyang.” anang kanyang Lolo habang nakatingin sa soup na niluluto niya.

            “Nako ‘Lo, hindi poi to para sa inyo. Para po ito sa kaibigan kong may sakit.” ani Gian at hinalo pa ang soup at nilagyan ng binateng itlog upang mas sumarap.

            “Aba mukhang espesyal ang kaibigan ng apo ko a. Hindi kaya tumitibok na iyang puso mo apo.” anang Lolo niya habang nagsasalin ng fresh orange juice na ini-squeeze niya kanina para rink ay Liana.

            “Ay Lolo! ‘Wag niyo hong pakialaman iyan, para rin ho iyan sa kaibigan ko, At hindi po ako inlove, kasalanan ko lang po kasi kung bakit siya nagkasakit kaya pakiramdam ko ay nararapat lamang na ito ay gawin ko.” ani Gian habang inaawat ang Lolo niya sa pagsasalin ng juice sa baso.

            “Aba napakadamot ng batang ito. Kaunting juice lang naman e ayaw bigyan ang Lolo niya. Nako hijo! Espesyal siya sa iyo, hindi ka naman gumagawa ng ganyan dati e at hindi mo rin ako pagdadamutan dahil lamang sa ganoon.” litanya ng Lolo ni Gian.

            “Ay nako si Lolo naman o! Bahala nga ho kyao kung ano ang gusto niyong isipin, basta ang alam ko ho e obligasyon ko ito dahil ako ang may kasalanan.” ani Gian na nag-simula ng isalin ang soup sa canister upang dalhin na kay Liana.

 

            Laking tuwa ni Liana sa pagkain na dinala sa kanya ng Gian at halos maubos niya lahat ng soup na niluto nito para sa kanya.

            “Ang sarap naman! Maraming salamat! Pwede bang bukas ulit?” ani Liana matapos ubusin ang huling mangkok ng soup na niluto ni Gian.

            “Umaabuso ka naman ata niyang lagay na yan.” ani Gian at nakitang may mantsa ng soup ang gilid ng labi ni Liana at pinunasan iyon. Napasinghap naman si Liana sa pagkakadikit ng mga kamay ni Gian sa gilid ng labi niya at hindi niya namalayan na nag-blush nap ala siya.

            “O bakit ang pula ng mukha mo? Mataas parin ba ang lagnat mo?” tanong ni Gian sa dalaga na iling lamang ang tanging naging sagot.

            “Siya nga pala bakit parang hindi ka iniintindi ng Mama mo?” curious na tanong ng binata, dahil napansin niya na bale-wala lamang sa Ginang ang kondisyon ng anak at maging kanina at nakita niya lamang itong nakaupo sa sala at nanunuod ng tv at tila hindi man lang nag-aalala sa sitwasyon ng anak.

            Hindi naman makasagot agad si Liana, aking pasasalamat na lamang niya ng bumukas ang pinto at iniluwa noon ang kanyang Daddy.

            “Kamusta na ang prinsesa ko?” malabing na tanong ni Mr. Joaquin at lumapit sa kama ng anak at umupo sa gilid ng kama nito at sinalat ang noo.

            “Okay naman po dad, lagnat lang naman po iyong. By the way Dad this is Gian, schoolmate ko po at kapitbahay lang natin siya.” masiglang pagpapakilala ni Liana kay Gian sa Daddy niya. Kumunot naman ang noo ng Ginoo at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gian. Agad naman naunawaan ni Gian kung ano ang nais ipahiwatig ng ganoong tingin kaya nagpaliwanag na rin siya.

            “Ahh…Sir, it’s not what you think. Liana and I are just good friend, right Liana?” ani Gian na medyo may pagka-defensive ang tono ng pananalita.

            “Yeah Dad! We’re just good friends. It’s not what you think it is.” Nakangiting paliwanag ni Liana na medyo natatawa sa mukha ni Gian dahil tila tinakasan ng dugo.

            “I’m not even saying a word. Why you two are so defensive?” anang Mr. Joaquin.

            “No Dad. Oh c’mon! Please stop frightening my friend. Apparently he made a soup and squeeze fresh orange juice for me.” ani Liana na pinakita pa ang canister ng soup na wala ng laman. Bahagya namang tumawa si Mr. Joaquin na nakapag-pabalik ng dugo sa mukha ni Gian dahil sa paghinahuha na nagbibiro lamang ito.

            “I know. Tinetest ko lang naman ang kabigan mo.” saad naman ni Mr. Joaquin. “Hindi na rin ako magtatagal hija, may meeting pa kami sa office. Magpagaling ka ha? ‘Wag na muna magkikilos.” dagdag pa ni Mr. Joaquin at hinalikan na sa noo ang anak. Bago lumabas ay tinapik naman nito sa balikat si Gian atd tango lamang ang isinagot ng binata. Nang makalabas ang ginoo ay napahinga ng malalim si Gian.

            “Para saan ang napakalalim na buntong-hiningang yan? Natakot ka kay Daddy?” tanong ni Liana na medyo natatawa.

            “Hindi naman.Nagulat lang ako. Sige, uuwi na rin ako.” paalam ni Gian at niligpit na ang mga pinagkainan ni Liana at binalik sa paper bag napinaglagyan niya, hindi pa siya tapos maglispit ay nagulat na lang siya ng bigla na lang siyang hinalikan sa pisngi ng dalaga.

            “Maraming salamat Gian!” ani Liana matapos itong halikan sa pisngi. Nagulat man sa ginawa ng dalaga ay hindi na pinahalata ni Gian.

            “Wala yon. Sige pagaling ka ha?” ani Gian at umalis na.

            Habang naglalakad sa daan si Gian ay tila napakasaya niya, sumisipol-sipol pa siya habang tinatahak ang daan.

 

            LUNES…

            Matapos ang klase ni Gian ay tumambay muna siya doon upang hintayin dumating si Liana, hindi pa naman siya matagal na naghihintay ay dumating na si Liana at agad niya itong nilapitan at sinalat ang noo.

            “I’m fine okay? You don’t have to worry. Relax! Lagnat lang yun!” natatawang wika ni Liana dahil sa ginawa ni Gian.

            “Naniniguro lang.” ani Gian at tumalikod na at papalabas na ng gate.

            “I can’t believe it. You waited for me just to check if I’m okay?” ani Liana na tumakbo papalapit kay Gian at tinusok-tusok ang tagiliran nito na animo nanunudyo.

            “What’s the big deal?” tanong naman ni Gian.

            “Wala naman. Naisip ko lang na baka na-iinlove ka na sa akin. Inlove ka na sa akin noh?” tudyo ni Liana sa binata.

            “Bakit maganda ka ba?” ani Gian na medyo napapangiti. Nitong mga nakaraang araw kasi ay tila gusto niya lagging makita si Liana. Hindi niya alam pero gusto niya itong lagi bisitahin sa bahay nito. Marahil tama ito, naiinlove na talaga siya sa dalaga. Pero hindi niya iyon aaminin kailan man sa dalaga.

            “Oo naman. Maganda ako. Magandang-maganda ako.” tumatawang sagot ni Liana sa tanong ng binata. Nagulat na lang si Liana ng bigla siyang inakbayan ni Gian at bumulong ng…

            “Maganda ka. Magandang-maganda sa panigin ko.” bulong ni Gian at lumabas na ng gate upang umuwi.

            Hindi naman malaman ni Liana kung ano ang kahulugan ng sinabi ng binata. Pero dahil dito ay talaga namang napakasaya niya. Walang pag-sidlan ang tuwang nararamdaman niya. Hanggang sa matapos ang lahat ng klase niya ay naka-ngiti siya. At labis siyang natuwa ng magtext sa kanya ang binata.

 

Gian: Susunduin kita, tapos na ba ang klase mo?

Liana: Tapos na. Kanino mo nakuha yun number ko ha?

Gian: I have my ways. 😛

Liana: Sabi mo e, I’ll wait you here. 😛

Gian: Sure.♥

 

            Hindi na siya sumagot sa huling text ng binata dahil baka mahalata na nito na kinikilig siya. Nagpasya siyang lumabas na ng classroom niya at intayin na lamang ang binata sa labas ng campus. Makalipas ang kalahating minuto ay nadoon na nga ang binata.

            “Bakit mo ako sinusundo?” nakangiting tanong ni Liana.

            “Ayaw mo ba Sige uuwi na lang ako.” sagot ni Gian at umaktong aalis na at hagad naman hinila ni Liana ang braso ng binata.

            “Nagtatanong lang naman ako e. Pero wala akong sinabing ayaw ko.” Ani Liana.

            “Yun naman pala e, wag ng maraming tanong. Akin nay an bag mo at ako ang magdadala.” Ani Gian at kinuha ang bag ng dalaga upang siya na ang magdala.

            “Uuwi na agad tayo?? Hindi ba muna tayo magmemerienda?” tanong ni Liana na sinabayan pa ng himas sa tiyan upang maging kapani-paniwala ang pagpapanggap niyang nagugutom pero ang totoo ay gusto niya lang makasama ng mas matagal ang binata.

            “Sige. Saan mo ba gusto ko kumain? Kahit na alam ko namang hindi ka talaga nagugutom at gusto mo lang ako makasama ng matagal.” Ani Gian na kinindatan pa ang dalaga.

            “Ang kapal naman ng mukha mo Gian. Nagugutom talaga ako, pero kung iyan ang iniisip mo mabuti pang tiisin ko na lang yun gutom ko at umuwi na tayo.” Ani Liana at hinila mula sa binata ang bag niya at nagpatiuna na ng maglakad at agad namang hinabol ito ng binata.

            “Nagbibiro lang e. Smile na. Saan mo ba gusting kumain?” ani Gian na nginitian ang dalaga.

            “Doon na lang tayo sa Happy Lemon, balita ko masara daw yun milk tea doon e.” ani Liana na napilitan na rin ngumiti dahil sa pag-kakangiti ng binata. Kaya naman pumunta na sila sa Happy Lemon upang kumain.

            Simula nga ng araw na iyon ay lagi na silang ganoon at araw-araw na rin silang magka-text ng binata at tuwing sabado pumupunta ang binata sa bahay nila at binibigyan siya ng mga bulaklak at tsokolate. Hindi naman siya nag-abalang itanong dito kung ano ang mga kahulugan ng mga iyon at pinili na lamang niyang enjoyin ang mga bagay na binibigay nito.

 

            ISANG LINGGO…nagsimba silang dalawa sa simbahan sa loob ng village na tinitirhan nila. Tapos na ang misa, kaya naman naglakad na sila pauwi. May inabot na invitation si Liana kay Gian.

            “Ano ito?” takang tanong ng binata.

            “Buksan mo kasi para malaman mo kung ano ba iyan.” Ani Liana. Binuksan naman ng binata ang envelop at binasa ang laman niyon. Nakasaad sa imbitasyon na magdedebutr na ang dalaga at siya ay malugod na inaanyayahan. Hindi pa siya tapos magbasa ay nagsalita ulit si Liana.

            “Sana pumayag ka.” Ani Liana na bahagyang ngumuso na tila nagpapa-awa.

            “Pumayag saa—“ hindi na natuloy ni Gian ang kanyangtanong dahil nakita niya ang pangalan niya sa 18 roses na nakalagay siya sa pang18 na rosas. Napangiti siya sa kanyang nakita, pero agad niya ring pinalis ang ngiti upang biruin si Liana.

            “Nako! Hindi ako pwede ng araw na iyan Check-up kasi ni Lolo yang araw na iyan kaya baka hindi ako makakareting. Pasensya ka na ha?” seryosong tugon ni Gian.

            “Ganon ba? Sayang naman. Siguro maghahanap na lang ako ng proxy mo o kaya sasayaw na lang ako mag-isa.” Malungkot na wika ni Liana. Na nauna ng maglakad. Natuwa naman si Gian napagtagumpayan niyang magpanggap na hindi siya pupunta. Balak niya kasing sorpresahin ang dalaga sa debut nito.

 

            Mabilis lumipas ang mga araw at sumapit na nga ang debut ng dalaga. Nakipagsabwatan si Gian sa Kuya ni Liana upang ito ang maging kunwaring proxy ng last dance ng dalaga. Naging masaya naman ang debut ng dalaga yun lamang at hindi dumalo ang ina nito. Alam na rin ni Gian ang kwento kung bakit ganoon ang pagtrato ng Ginang sa bunso nitong anak. Noong 13 years old palang si Liana ay nagswimming ito kasama ang ate nito na nagngangalang Lara na ng mga panahong iyong ay 15 years old at graduating ng high school, pero bigla na lamang pimulikat si Liana kaya kinailangan siyang saklolohan ng kanyang ate subalit sa halip na masaklolohan ang nakababatang kapatid ay nalunod ito at ang tanging masagip ng buhay ay si Liana at mula noon ang sinisisi ng Ginang sa pagkamatay ng kanyang anak ay bunso nitong anak. Na mula noon ay hindi na nito tinuring na anak ang bunso nitong anak. Kaya naman pala ganoon na lang nito tratuhin ang bunsong anak.

            Ginanap ang debut ng dalaga sa isang napakalaking gymnasium na dinekorahan ng maraming asul na rosas na paboritong bulaklak ng dalaga. Animo’y flower festival ang debut ng dalaga dahil napakaraming bulaklak.

            Alam na rin ng Kuya ni Liana na nililigawan ni Gian ang dalaga at hiningi na rin niya ang permiso nito upang maging nobyo ng dalaga at pumayag naman ito basta mangako lamang daw siya na hindi paiiyakin at sasaktan ang kanyang kapatid na buong puso namang ipinangako ng binata dito.

            Mabilis na lumipas ang oras at ang ika-18 na rosas na ang kailangang sumayaw sa dalaga, pero masakit na ang mga paa ng dalaga pero wala parin ang kuya niya upang isayaw siya. Pero maya-maya lang ay nag-iba nag ang tugtugin at may isang lalaking nakamaskara ang lumapit upang isayaw siya. Naguguluhan man ay sinabayan na lang ni Liana ang pag-sayaw ng kanyang kapareha.

            “Kuya?” tanong ni Liana sa nakamaskara. Pero nakasisiguro siyang hindi ito ang Kuya niya, lalo na ng mahagip ng kanyang mata ang kanyang mata na nakangiti at nakataas ang champagne glass nito sa kanya. Naamoy niya ang pabango ng kanyang kasayaw at doon niya lamang nakilala na si Gian pala ang kanyang kasayaw. Naiyak na siya at nahampas niya pa ang binata sa balikat gamit ang mga rosas.

            “Sabi mo hindi ka makakapunta? Ikaw talaga! Pinasama mo pa yun loob ko.” Bulong ni Liana sa binata na may halong pagtatampo ang boses.

            “Gusto lang naman kitang sorpresahin e. “ ani Gian na bahagyang nilayo ang dalaga sa kanya upang pahirin ang luha nito.

            “Hindi ka nakakatuwa!” anggil ng dalaga dito.

            “Alam ko, pero aminin mo masaya ka dahil sa sorpresa ko?” ani Gian. Hindi pa man nakakasgaot si Liana ay lumuhod na siya sa harapan ng dalaga at tinanggal ang kanyang maskara.

            “A-anong ginagawa mo?” pabulong na wika ni Liana na hinihila patayo ang binata. May lumapit naman na lalaki kay Gian at inaabot ang mikropono dito.

            “Magandang gabi po sa inyong lahat! Ako po si Gian Stefan Santillan, manliligaw ni Liana Gaile Joaquin. 5 buwan ko na po siyang nililigawan, pero tila wala po siyang balak na sagutin ako. Kaya naman po ngayong gabi ay tatanungin kop o siya kung ano po ba talaga ang magiging sagot niya.” Nakangiting wika ni Gian habang nakatingin sa mga mata ni Liana.

            “Ano ba ito?” ani Liana na hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

            “Sagutin mo na lang yun tanong ko: Mahal mo ba ako?”  nakangiting tanong ni Gian sa dalaga.

            “Oo.” Nakangiting sagot ni Liana. “Mahal kita, simula pa lang noong unang araw kitang nakita.” Dagdag pa ng dalaga. Dahil sa sobrang kaligayahan ay nayakap ng mahigpit ni Gian ang dalaga at binigay dito ang regalo niya. Inilabas niya mula sa gbulsa ng coat niya ang isang parisukat na kahita at pinabuksan iyon sa dalaga.

            “A-ano ito?” namamanghang tanong ni Liana kay Gian.

            “Regalo ko sayo.” Ani Gian at kinuha ang isa sa dalawang singsing na laman noon at sinuot sa palasingsingang daliri ng dalaga. “I love you Liana Gaile Joaquin,” dagdag pa ng binata matapos isuot ang singsing. Awtomatiko naman ay kinuha ni Liana ang isa pang singsing at sinuot ito sa binata.

            “I love you too Gian Stefan Santillan.” Tugon naman ng dalaga sa sinabi ng binata. At nagyakap silang dalawa, hindi pa sana sila maghihiwalay ng biglang nagpalakpakan ang mga tao at nakita niyang patin ang Daddy niya ay pumapalakpak rin. Hindi man buo ang debut niya dahil hindi umattend ang kanyang ina ay masaya na rin siya dahil sa kanyang nobyo.

 

            Ikalawang taon sa Kolehiyo…

            Sabay sina Gian at Liana ng Schedule sa college kaya naman lagi silang sabay umuwi at pumasok. Marami na ring nagbago, mas sumaya ang relasyon nila ni Gian subalit ang relasyon nila ng kanyang ina ay hindi na ata maayos pa.

 

            Isang sabado ng umaga, magkatext sila ni Gian.

Gian: Be, mall tayo ngayon. Gusto mo?

Liana: Sige Be. Para mabili na din yun couple shirt na gusto natin.

Gian: Oo nga Be. Sunduin kita mamaya diyan ha?

Liana: Sige be, ligo lang ako. At iaayos ko lang tong mga kalat na hinalungkat ko.

Gian: Sige po be. I love you.

Liana: I love you too be. Wait kita.

 

            Pagkatapos nilang magkatext ay niligpit na agad ng dalaga ang kanyang mga hinalungkat na lumang gamit. Nagmamadali na din siya dahil baka maabutan siya ng kanyang nobyo na hindi pa naliligo kaya naman matapos maligpit ang mga gamit ay dumiretso na siya sa banyo upang maligo. Matapos maligo ay nagbihis…kasalukuyan siyang nagsisipilyo ng dumating ang kanyang nobyo at dumiretso ito sa kanyang silid.

 

            “Be?” tawag ni Gian sa dalaga na hindi naabutan sa silid nito.

            “Be, nagtotoothbrush lang ako. Wait lang po.” Sagot naman ni Lian sa nobyo. Dahil nawili sa pagisipilyo ng ngipin nainip si Gian at naupo sa kama ni Liana at napansin ang isang lumang kahon. Nakita niya doon ang mga lumang litrato ni Liana, nakasuot ng mga seksing damit. Hindi niya naisip na ganito pala ang girlfriend niya sa London, may mga picture ito kasama ang ibat-ibang lalaki sa mga club sa London. Hindi niya akalain na sa napakamurang edad ay pinapayagan na ng magulang ang kanilang mga anak na pumunta sa ganoon lugar. Sa pagingi-alam ni Gian ay nakita niya ang CD na may nakasulat na REGARDER EST INTERDITE STIRCTLY. Dahil sa knayng kuryosidad ay pinanuod niya ito sa portable DVD player ng nobya at laking gulat na lang niya ng mapanuod niya ay isang sex scandal ng kanyang nobya, walang duda na nobya ang nasa video dahil sa anklet na suot ng babae sa video na lagi suot ni Liana. Matatapos na niyang panoorin ang video ng lumabas si Liana sa banyo at tinanong kung ano ang ginagawa niya at nilapitan siya.

            “Be, ano yang—“ hindi na natapos ni Liana ang tanong dahil sa nakita niyang pinapanood ng nobyo.

            “Anong ibig sabihin nito Liana ha?” galit na tanong ni Gian sa dalaga. Na tumayo na at papalabas na ng silid ng nobya.

            “Be, let me explain.” Ani Liana na hinabol papalabas si Gian Naabutan niya ito at humarang siya sa daanan nito subalit tinabig lamang siya nito. Hindi parin siya sumuko at kahit walang sapin na kahit ano ang aa ay hinabol niya ito hanggang sa sarili nitong bahay. Subalt pagkapasok nito ng gate ng bahay nila ay sinarado nito ang gate upang hindi makapasok ang dalaga.

            “Gian, parnag awa mo na. Buksan mo naman ito. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Pagmamaka-awa ni Liana sa binata. Subalit hindi na lumbas si Gian upang kausapin siya.

            Sa loob naman ng silid ng binata ay naguguluhan siya. Hindi siya makapaniwala na ganoon kaliberated ang gf niya. Hindi din kahit kailan nabanggit ni Liana na mayroon itong ganonng video. Nag-iisip talaga siya, pero ayaw na niyang marining ang mga paliwanag ng dalaga. Nag-iisip parin siya ng may matangga siyang mensahe mula sa dalaga.

Liana: Be, maniwala ka sana. Hindi ako yun babae sa video. Si Ate Lara yun, ng mamatay siya ako na lahat ang nagtabi ng mga lumang gamit niya. Paniwalaan mo sana ako Be. Mahal na mahal kita.

Gian: Anong akala mo? Mabibilog mo ulo ko sa mga paliwanag na inembento mo? Hindi. Salamat nalang sa pang-gagago at panloloko mo. Pinaniwala mo akong iba ka sa kanila, pero ano? Sariling baho ay tinatago mo rin pala. Salamat Pero tapos na tayo.

Liana: Be, hindi ko kaya. Wag naman ganito. Ayusin natin ito. Hindi ako nag-iimbento. Totoo yun sinasabi ko beh. Maniwala ka naman. Please.

 

            Pero wala ng natanggap na reply si Liana mula kay Gian. Tinawagan niya din ito subalit nakapatay na ang cellphone ng binata.

 

            LUNES…

            Iniintay ni Liana si Gian pero hindi ito pumasok sa lahat ng kanilang klase. Isang lingo itong hindi pumasok. Lagi niya rin itong pinupuntahan sa bahay nito subalit sabi ng Lolo nito ay lagi daw wala si Gian sa bahay.

 

            MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO…

            LUNES…PE nila kaya dumiretso si Liana sa gym ng school nila upang magpalit ng swimming attire ng laking gulat niya ng pagpasok niya ay naabutan niya si Gian na may kahalikan sa loob ngMen’s CR. Tila sasabog ang kanyang utak sa kanyang nakita. Hindi na niya napigilan ang sarili niya at nilapitan niya ang mga ito at hinila ang babae palayo kay Gian at sinampal ang binata. Inaawat sila ng babae ng dahil sa inis ay sinabunutan ni Liana ang babae, umaawat naman si Gian pero tila pinapaborn pa nito ang babaeng kahalikan.

            “Ano Gian? Siya ba ang bago mo? Ako ba ang nangloko sa ating dalawa? O ikaw na matagal ng nangangaliwa?” ani Liana na hindi na napigilang tumulo ang lumuha na kanina pa niya pinipigilan. “Kahit kailan Gian wala akong ginawang masama na makakasira sa relasyon natin. Tinanggap ko ang mga akusasyon mo, dahil kahit isa doon walang totoo. Mahal na mahal kita. Alam mo yan! Pero ano? Sinasaktan mo na talaga ako. K ung diyan ka magiging masaya, sige magpakasawa ka.” Ani Liana at umalis na.

 

            Dahil sa nangyari hindi na pumasok ulit si Liana, lagi na lang itong nagkukulong sa sariling kwarto. Pagtinatanong naman ito ng kanyang Kuya at Papa ay laging sagot lamang nito ay okay siya.

 

            Isang sabado ng gabi, ginamit ni Liana ang kotse ng kuya niya at bumiyahe papuntang Baguio na habang nagbibiyahe ay umiinom. Hindi siya sanay uminom kaya naman ilang bote pa lamang ang kanyang naiinom ay nalalasing na siya. Pagdating niya sa Kennon Road dahil sa sobrang kalasingan, hindi na niya na-control pa ang steering wheel kaya naman tuluyan ng nahulog ang kotse na sinasakyan niya sa bangin.

 

            Tahimik na ang gabi ng isang nakakabinging ring ng telepono ang bumulabog sa pagtulog ni Lance. Pinindot pa niya ang ignore button para ‘wag sagutin ang tawag, subalit tila napakakulit ng caller at tumawag ulit. Kaya naman kahit iritang-irita na ay sinagot na rin niya.

            “Hello?” ani Lance sa medyo paos na boses.

            “Ito po ba ang Joaquin’s Residence?” tanong ng lalaki sa kabilang linya.

            “Ito nga ho, sino ho ba sila at ano ho ba ang kailangan nila?” nagtatakang tanong naman sino Lance. Bagamat hindi pinahahalata na irritable na siya. Ayaw niya kasi talaga sa lahat ay yun paligoy-ligoy magbigay ng impormasyon.

            “Dito po ba nakatira si Ms. Liana Gaile Joaquin?” tanong ulit ng lalaki sa kabilang linya.

            “Dito nga ho. Maari ho bang sabihin niyo na kung ano po ang kailangan ninyo. Kanina pa ho kayo tanong ng tanong e hindi naman po naming kayo kilala.” Ani Lance na halata na sa boses ag pagka-irita.

            “Paumanhin po. Pero ako po si SPO1 Esguerra ng Camp 3, Tuba, Benguet. Narecover po kasi namin sa bangin dito ang isang kulay itim na Hyundai Genesis Coupe na may special plate po na LAN 007 at lulan po nito ang isang maputing babae, na napag-alaman po namin na si Ms. Liana Gaile, kasalukuyan po siyang nakaconfine sa Benguet General Hospital. Masyado po kasing malala yun naging damage sa mukha niya at lalo nap o sa ulo niya.” Paliwanag ng pulis sa binata.

            Hindi naman nakapagsalita si Lance sa balitang narinig. At nakuha pang magbiro…

            “Manong, ano ba namang biro ito? Nandito po sa bahay ang kapatid ko, mahimbing na pong natutulog. Wag naman po kayong ganyan.” Ani Lance na pagak pang tumawa.

            “Ang mga ganitong bagay ay hindi po dapat gawing biro. Puntahan niyo na lang po si Ms. Liana sa hospital dahil kailangan niya po agad maoperahan. Maraming salamat po.” Anang pulis at binaba na ang awdetibo.

            Agad namang pinuntahan ni Gian ang kanyang mga magulang sa silid nito at ibinalita ang nangyari. Hindi naman nag-atubili ang kanyang mga magulang maging ang kanyang ina at agad-agad na silang umalis. Habang nasa daan ay tinawagan naman ni Lance si Gian. Ilang ring lang at may sumagot na sa kabilang linya.

            “Hello pare?” ani Gian.

            “Makinig kang mabuti ha? Papunta kaming Neguet General Hospital, nakaconfine doon si Liana, umalis pala siya dala yun kotse ko ayon nahulog sa bangin. Pare masama ang lagay niya.” Paliwanag ni Lance sa kausap.

            “S-sige pare, papunta na ako.” Ani Gian na halatang nabigla sa balitang natanggap.

 

            Dahil walang trapiko at gabi na, madaling narating nina Lance ang ospital na pinagdalhan kay Liana, ayon sa Doctor ay naoperahan na ang dalaga at kasalukuyang nasa comatose stage dahil sa severe head damage.

            “Wala na po bang ibang pwedeng gawin upang magkamalay agad ang anak ko?” naiiyak na tanong ni Mrs. Joaquin. Habang nakatingin sa transparent na salamin ng ICU.

            “Sa ngayon po ay kailangan na lang natin intayin na magkamalay siya, pero kung mismong katawan na po niya ang susuko wala nap o talaga tayong magagawa.” Sagot ng doctor at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na si Gian at labis siyang nanlumo sa nakikita niyang lagay ng kasintahan.

            Habang lahat sila ay nasa loob at nagbabantay, isa-isa nilang kinausap ang walang malay na katawan ni Liana.

            “Anak, patawarin mo ako sa nagawa ko sayo. Patawarin mo kung dahil sa isang kapabayaan na nagawa ko ay ikaw ang sinisisi ko. Anak, parang-awa mo na

. Lumaban ka, wag mo kaming iiwan. Mahal na mahal kita. Bigyan mo pa sana ako ng isa pang pagkakataon para maparamdam sayo ang pagiging ina ko.” Umiiyak na wika ni Mrs. Joaquin.

            “Prinsesa ko, anak lumaban ka. Wag kang ganyan anak, ikaw na nga lang ang nag-iisang prinsesa ko e, labanan mo yan. Mahal na mahal kita anak, parang-awa mo na. Wag mo naman kaming iwan agad ng Mommy at Kuya mo.” Ani Mr. Joaquin.

            “Ahh, tito tita, magpapaload lang po ako saglit sa baba. Baka po kasi nag-aalala sakin si Lolo e.” paalam ni Gian na lumabas na upang sumakay ng elevator. Habang nasa elevator, hindi mawala sa isipan niya si Liana. Iniisip niya yun mga bagay na sasabihin niya. Pagdating niya sa baba ng ospital ay nagpaload agad siya upang makabalik agad. 2 floor na lang at malapit na siya sa floor kung saan si Liana nakaokupa ng biglang naghang ako elevator at namatay ang ilaw.

            Hindi na napigilan ni Gian ang mapaluha, hindi dahil sa siya ay kinakabahan, bagkus sakabatid na kuryente na lang ang nagpapagana ng mga pumping machine na nakasaksak kay Liana, pero dahil sa pagkamatay ng ilaw ay malamang patay na ito. Pinagsusuntok niya ang pader ng elevator pero wala na siyang magawa kung ang umiyak at isagaw ang mga katagang…

            “Liana, mahal na mahal kita.” Ani Gian na nagpatuloy s apag-iyak.

                                                            THE END

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s