Kasalanang Mortal

Kasalanang Mortal

akda ni  Herrald Corpuz 

Unang araw ng klase sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Unang taon ni Concepcion sa kolehiyo.  Ito rin ang unang araw ng pagdating niyasa Maynila. Tumutuloy siya sa isang boarding house malapit sa eskwelahang pinapasukan. Alas otso ng umaga, sabik na naghanda si Concepcion para sa kanyang unang klase. Bumili ng almusal, naligo at nagsipilyo at hindi kinalimutang magdasal na gabayan siya sa kanyang unang araw. Mula sa kanyang tinutuluyan ay dinig na dinig ang ingay ng dumadaang tren. Pagdating sa gate ng paaralan ay bumati pa sa guwardyang nagbabantay. “Magandang umaga ho, kuya.” Nginitian lang siya nito at dumiretso na papasok. “Malawak pala ang unibersidad na ito. Baka maligaw pa ako sa building na ‘to.” Tinignan pa niya ang kanyang registration card upang makita ang kanyang schedule at ang unang silid na kanyang pupuntahan. “W-413.Saan kaya banda iyon?” Tanong niya sa sarili. Pag-akyat niya ng ikaapat na palapag ng gusali ay kanya ring nakita kung saan ang kanyang unang klase. Maaga siyang dumating. Labintatlong mag-aaral ang kanyang nadatnan sa silid. “Dito po ba ang ABE 1-2?” tanong niya.Tumango lang ang isa sa mga nasa silid at saka naghanap ng pupwestuhan si Concepcion. Sa bandang unahan siya umupo. Madaling marinig ang propesor at mahangin sa pwestong iyon. Hindi nagtagal, isa isang nagdatingan ang kanyang mga kamag-aral.Eksaktong alas nuebe naman ng dumating ang kanilang propesor.

Matangkad na babae, maputi at matangos ang ilong ng kanilang propesor. “Napakaganda naman ng propesor na ‘to. Parang estudyante lang sa kanyang ayos at tindig” wika niya sa sarili. Nagsimula na rin ang klase. Tila bumilis ang pagtibok ng puso ni Concepcion. “Kinakabahan ka ‘no? Halata sa itsura mo e. ‘Wag kang kabahan, mukha namang mabait ‘tong propesor natin.” Sambit ng kanyang katabi.“Ah, oo mukha nga. Kinakabahan lang kasi ako. Unang beses kokasi dito sa Maynila” sagot niya. “Ayos lang ‘yan.Ako nga pala si Paulo Sto. Domingo. Diyan lang ako nagdodorm pagtawid ng riles” pakilala sa dalaga. “Ako si Concepcion Alcantara.Mamaya na siguro tayo mag-usap at makinig muna sa prof natin.” “I want you to introduce and tell something about yourself. Let me do it first, I am Ms. Teresita Del Carmen. I will be your professor in your ENGL 1013 Study and thinking skills in English. You can call me ma’am Tessie.” May pagka-British accent pang pakilala ng guro sa sarili. Napanganga ang lahat sa straight at magandang boses ng propesora. “Let’s start with that boy at the back” sabay turo sa lalaking tila may sariling mundo. “I-I-I am Jayson Sanchez po. 17 years old. Studied at Quezon City High School po mam” nanginginig pa habang nakatingin sa mga kaklase. Ang isa sa mga kapansin pansing nagpakilala ay si Emman Cahilig. Hindi mababanaag sa kanyang porma na isa siyang valedictorian ng pinaggradweytang eskwelahan. “Good day everyone, Emman Cahilig is the name, dating girls is my game. I graduated at Tala National High School located somewhere in Caloocan and I’m happy to see you all.” Naghiyawan lahat ng babae sa kanilang silid. Sino ba namang babaeng di kikiligin sa lalaking ito? Matangkad, gwapo at bruskong pangangatawan. “Mukhang all the girls liked you Mr. Cahilig” pabirong sambit ng propesora. “Naku, mukha naman mayabang yang lalaking iyan” bulong ni Concepcion sa sarili. Sumunod na tumayo ang isang babaeng medyo mataba, maputi at di katangkaran. “My name is Charleen Dela Rosa. My favorite food is adobo and tinola. And I’m hoping the canteen here cooks good po mam” ganadong wika ng dalaga. “The canteen here cannot cook, iha” biro ng guro. Nagtawanan ang buong klase ngunit biglang nanahimik nang magsalita ang sumunod na nagpakilala. “Hello guys, Melchor Samson here. You look sexy on your dress mam Tessie and may I know how old are you ma’am?” nagulat ang buong klase sa lalaking ito. Hindi na pinansin ng guro ang tanong. Sumunod na si Concepcion. Nanginginig ang tuhod sa kaba. “Huwag kang kabahan, kaya mo yan!” bulong ni Paulo. Ngumiti si Concepcion at mahinhing nagpakilala. “I am Concepcion Alcantara. Graduated at Marinduque National High School. I hope I can make new friends here because I don’t have relatives here in Manila.” “Naalala ko ang sarili ko sa’yo iha. You know what guys, when I first came here, I was just like her.” Sinabi ng kanilang guro sa buong klase. “Parang amoy banig ka pa ineng ha?” sigaw pa ni Emman. Nagtawanan ang buong klase. Napahiya ngunit nginitian na lang ni Concepcion ang mga kamag-aral. Sa loob loob ni Concepcion ay inis na inis siya sa binata. Sunod na pinatayo si Paulo. “Good morning, I am Paulo Sto. Domingo, 18 years old, graduated at San Juan Catholic School.” “Huwaw !banal ka siguro tol!” hirit ulit ni Emman ngunit hindi na ito pinansin ni Paulo. Huli ng tinawag ang babaeng katabi ni Paulo. “Ako po si…” “English please” sambit ng propesor nila. “Ay sori po mam. My name is Chariz Saracgon and my favorite color is blue po.” Natapos ang klase sa pagbibigay ng house rules at syllabus ng kanilang klase.

Sa mga sumunod na asignatura ay magkatabi pa rin sina Concepcion at Paulo. “First day pa lang, may lovers na tayo dito ah” pang-aasar na naman ni Emman. “Uy, hindi ah” tanggi ni Paulo. Unang araw pa lamang ng klase no’n ngunit tila nagkapalagayan na ng loob sa isa’t isa ang mga magkakaklase. Habang mabilis na dumadaan ang mga buwan ay lalo pang naging malapit ang buong pangkat 1-2. Tatlong buwan pagkalipas ng unang araw ay palagi nang magkakasama sina Concepcion, Paulo, Jayson, Charleen, Melchor, Emman at Chariz. Habang naglalakad sila sa hallway ng ikaapat na palapag ay nakasalubong nila ang adviser na si Ms. Del Carmen. “Hello Mam Tessie” bati ng magkakaibigan. “I’m so happy you made friends already, Concepcion. Magreview kayo mamaya at may quiz tayo ha?” “Yes mam, ang ganda mo talaga” pabirong sinabi ni Melchor. “Nakakatamad magreview, pakopya na lang mamaya Cons ah? Tabi tayo” sabi ni Jayson kay Concepcion. Nang makaraos sa pagsusulit ay nagannounce ang kanilang guro. “Next month we’ll be having our Student Development Activity that is on September 17. Be ready with your payments ha? 1500 iyon. Sa Palawan tayo for 1 week. O sige na, you can now take your break.” Umalis ang guro ng silid at nanabik lahat ng estudyante. Sabay na nagtanghalian ang magkakabarkada. Habang kumakain, napagkwentuhan ang nalalapit na SDA. “Excited much na ko sa Palawan friends” masayang banggit ni Chariz. “Naku, wala akong pera diyan. Baka hindi na ako sumama” malungkot namang pahayag ni Concepcion. “Kaming bahala sa’yo, friend. Patak patak tayo, diba guys?” sabay kagat sa kinakaing burger si Charleen. “Oo naman, 500 sakin” presenta ni Emman. “Ang yabang talaga nito oh, ang daming pera. 300 lang sakin” sagot ni Paulo. “Maraming salamat sa inyo ha? Talagang ang swerte ko nakilala ko kayo.” Maluha-luhang sambit ni Concepcion. “Ano ka ba? 800 pa lang yan. Basta, kaming bahala sa’yo” sabi ni Chariz. “Sana marami tayong kaklaseng magbikini pag nagswimming tayo” sabay halakhak si Melchor.

Dumating na ang nakatakdang araw. Alas otso ng umaga ay kumpleto na sa sasakyang eroplano ang buong ABE 1-2. Magkatabi sina Concepcion at Paulo. “Excited ka ba?” tanong ni Paulo. Tumango na lang si Concepcion. Halos tatlong oras lang ang biyahe nang umalis sila sa Maynila. Pagdating sa lugar ay nagbigay na ng room assignments ang kanilang guro. Magkakasama sa isang kuwarto ang pitong magkakaibigan. Naka-aircon pa kanilang room, malalambot ang mga kama, may shower ang CR at may refrigerator pa. “Naku, kahit dito na ako tumira. Ang sarap matulog sa kuwartong ito.” Sambit ni Jayson habang nagbibihis. “Sa akin iyang kamang iyan ah? Akin iyong tatlong unan na iyon” sabay turo ni Paulo sa ikatlong kama. “Sa’yo na, wala namang umaangkin” sagot ni Melchor. “Nagugutom na ako guys, wala bang makakain dito?” sabay bukas sa ref si Charleen. Nagulantang sila sa laman ng ref. Punong-puno ng pagkain at maiinom. Kasyang kasya na sa kanilang pito sa isang linggo ang mga pagkain na naroon. Nang makapagpahinga ay kanya-kanyang nag-ikot ang magkakaklase sa lugar. May ilog sa di kalayuan, maraming puno sa paligid, maaliwalas ang panahon. Kanya-kanyang picture taking ang buong pangkat. Halos di naman mapaghiwalay sina Concepcion at Paulo. Tila more than friends, less than lovers na ang tinginan sa isa’t isa. Nang makakita ng magandang spot ay nagkwentuhan na ang dalawa. “Ganito rin ba kaganda sa probinsya ninyo?” tanong ni Paulo. “Oo, hindi na bago sa akin ang ganitong lugar. Kung gusto niyo, sa bakasyon, doon tayo lahat. Masaya doon pag fiesta.” sagot ni Concepcion. Habang tumatagal, ay lumalalim ang kwentuhan ng dalawa. Nakaramdam ng pagkailang si Concepcion. Lalo itong lumala ng magtanong si Paulo, “kapag niligawan kaya kita, may pag-asa ako?” “Baka hinahanap na nila tayo, tara na’t bumalik sa camp site”, sagot ng dalaga. “Iniiba mo naman ang usapan e. Malamang hindi pa nilang napapansing wala tayo roon. Sagutin mo na lang ang tanong ko”, hirit muli ni Paulo. “Maganda ba ako?” tanong ni Concepcion. “Oo naman, kaya nga … Gusto kita e. Simula noong unang araw ng klase natin, napansin na kita. Totoo ngang iba ang gandang taglay ng mga probinsyana”, sambit pa ng binata. “Binobola mo naman ako e”, mahinang sagot ni Concepcion. “Hindi ah, seryoso ako. May tanong ako, pintura ka ba?”, patuloy si Paulo sa pagkumbinsi sa dalaga. “Hindi, bakit?” sinakyan na lang ni Concepcion. “Kasi, kinulayan mo ang boring kong mundo.” Ang pagbibiruan ay nauwi muli sa seryosong usapan. Nagtangkang pumitas ng bulaklak sa paligid si Paulo ngunit pinigilan ito ni Concepcion. Sakto ang maaliwalas na ihip ng hangin sabay sa huni ng ibon at rumaragasang tubig ng ilog ang nararamdaman ng dalawa sa mga oras na iyon. Nang lumipas ang ilang oras ay natagpuan na sila ng ibang kasama. “Kayo ah, nagliligawan pa kayo diyan. Tara na’t nakahanda na raw ang tanghalian. Kanina pa kayo hinahanap ni Ma’am Tessie. Maging sa hapag kainan ay nagkakatinginan sa mata ang dalawa. Kinahapunan ay magkasama na naman ang dalawa sa parehong lugar. “Gusto kong malaman mo Concepcion na seryoso ako sa nararamdaman ko at mahal na talaga kita” habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. “Ako rin naman e…” sabay talikod si Concepcion kay Paulo. “Mahal mo rin ako? Totoo? Talaga? So, tayo na?” sabik na sinabi ni Paulo. “Kaso, kinakabahan ako, anong sasabihin ng mga kaibigan natin kapag nalaman nila?”, ani Concepcion. Mababanaag sa kanyang mga mata ang kagustuhan sa binata kasama ng kaba at takot. “Wala kang dapat ikatakot. Matutuwa pa nga sila kapag nalaman nila ang tungkol sa atin. Nothing to worry, alright?”. Kitang kita ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Kinagabihan ay agad namang ikinuwento ni Paulo ang nangyari sa mga kasama. “Guys, may sasabihin ako sa inyo”, sabay tingin kay Concepcion. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga, hindi alam ang gagawin. “Kami na ni Paulo …” pasigaw na sambit ng dalaga sabay taklob ng unan sa pagkahiya. Nagulantang ang lahat ng nasa kuwarto. “That’s it. Iyon sana sasabihin ko kaso inuhan na niya ako” sabay lapit sa kasintahan. “Ang sweet. Ako, Jayson, kailan mo ba ‘ko liligawan?” hirit ni Chariz. “Inggitera ka talaga kahit kailan, maghintay ka lang”, sagot ni Jayson. Kinikilig ang bawat isa sa mga sandaling iyon.

Habang lumilipas ang kanilang mga araw at gabi sa camp ay lalong tumitindi ang pagtitinginan nila Paulo at Concepcion sa isa’t isa. “Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama ka, Concepcion” lambing ni Paulo sa kasintahan. “Ang aga aga, pinakikilig mo ako. Mahal na mahal na mahal kita, Paulo Sto. Domingo!” sigaw pa ng dalaga sa matahimik at mapunong paligid. Natapos ang isang linggo sa kanilang aktibidad sa Palawan at masayang babalik sa Maynila ang buong 1-2. Pagbalik sa Maynila ay tila maraming pagbabago. “Oh, it’s that cheap girl with Papa Paulo” bulungan ng mga kababaihan sa kabilang seksyon. “Huwag mo silang pansinin. Mas maganda at ‘di hamak na mas mabait ka sa kanila” sabay yakap sa kasintahan. Ang bilis ng pagtakbo ng mga araw at buwan na parang kailan lang ay mga uhuging freshmen pa sila at ngayo’y nasa ikaapat na taon na sila sa kolehiyo. Propesor pa rin nila ang dalagang si Ms. Del Carmen sa dalawang asignatura. Maraming nagbago sa kanilang lahat maliban sa ayos at pananamit ni Concepcion. Sa apat na taon sa Maynila ay ni hindi man lang naisip ni Concepcion na makigaya sa mga laki sa syudad na kung manamit ay akala mo nagtatrabaho sa club. Kandidata ang dalaga sa pagka cum laude. Sa apat na taong pananatili sa unibersidad ay palaging nangunguna sa klase si Concepcion. Hindi niya pinababayaan ang pag-aaral kahit pinagsasabay niya ito sa kanilang relasyon ni Paulo. Samantalang ang kanyang katipan ay tila masyadong nadala ng kanyang pagmamahal sa dalaga. Mas ninanais nitong magkasamang lumabas sila ni Concepcion kesa gawin ang mga takdang aralin at researches. Bumaba ang mga grades ng binatana ikinadismaya ng kanyang mga magulang.

“Anong nangyayari sa’yo, iho?” tanong ng ama kay Paulo. “Noong mga unang taon mo sa kolehiyo ay nakakakuha ka pa ng uno sa mga subjects mo. Pero ngayon ang bababa na ng iyong mga marka. Huwag mong sayangin ang perang iginagastos namin sa pag-aaral mo” dugtong pa ng kanyang ina. “Si Concepcion ba? Sinabi na nga ba’t walang idudulot sa’yong mabuti ang probinsyanang iyon. Huling taon mo na sa kolehiyo at ngayon ka pa nagkaganyan. Mamili ka, makikipaghiwalay ka sa babaeng iyon o hindi ka na mag-aaral?” nanggagalaiting pahayag ng ama. “Walang kinalaman si Concepcion dito, mas pipillin kong huwag nang mag-aral kaysa paghiwalayin niyo kaming dalawa” sagot niya sa mga magulang at padabog na umakyat ng kanyang kwarto. Kinaumagahan ay nagulat ang magkasintahan sa nadatnan sa kanilang silid. Naunahan pang dumating ang mga magulang ni Paulo sa kanilang silid aralan. “Oh, there you are. Concepcion, gusto ka raw makausap nina Mr. and Mrs. Sto. Domingo. Pumasok na lang kayo pagkatapos kasi magkaklase na ako”, sabi ni ma’am Tessie. Kinabahan ang dalawa pagpasok ng kanilang propesora. “Concepcion, hindi na magpapaligoy-ligoy pa. Alam mo naman sigurong bumababa ang grades ng aming anak at alam mong dahil sa’yo iyon. Tablan ka naman sana. Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Nilalandi mo raw ang anak namin”, sambit ng ina ni Paulo habang nanlilisik ang mga mata sa dalaga. “Hindi po totoo iyan” tanggi niya. “Anong masasabi mo, iho? Ang nais lang naman namin para sa’yo anak ay magandang buhay. Wala kang kahihinatnan kasama ang babaeng iyan. Magisip ka naman sana, anak” pangaral ng ama kay Paulo. Hindi maintindihan ng magkasintahan ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Ang lahat ng kanilang kaklase ay tila nakikinig pa sa usapan nilang apat. Pag-alis ng mga magulang niya ay agad siyang tinanong ni Concepcion, “ganyan mo ba ako pinakilala sa mga magulang mo, ha? Malandi? Pati pagpapalaki sa’kin ng mga magulang ko ay kukwestyunin pa nila? Wala kayong alam! Wala kayong alam!” Hindi nakasagot si Paulo. Naisip niya kung ano ang kayang gawin ng kanyang mga magulang sa kanilang dalawa. Tumakbo papalayo si Concepcion sa sama ng loob. Kumalat sa buong west wing ang nangyaring iyon. Usap usapan ang magkasintahan ng bawat mag-aaral doon. Pinalipas muna ng dalaga ang ilang araw bago pumasok muli sa eskwela. Sa pagbabalik nito ay hindi na sila nagpansinan ni Paulo. Pagkatapos ng klase ay nilapitan siya nito. “Galit ka ba?” tanong ng binata. “Hindi, ang saya ko nga e. Sabihan ka ba namang malandi tapos magtatanong ka kung galit ako?” at iniwan niya si Paulo. Hinabol pa niya si Concepcion. “Let me explain”, sabay hawak siya sa braso ng dalaga. “Wala na tayong pag-uusapan pa. Bitiwan mo ako’t baka sabihin pa nilang nilalandi na naman kita.” Umalis papalayo si Concepcion.

 

Lumapit si Melchor kay Concepcion.Nagyayang sumabay sa kanya magtanghalian. Hidi naman siya tinanggihan ng dalaga. “Sa’n mo gusto kumain? Kahit saan, libre ko” presenta ng binata. “Sigurado ka ah? Kahit saan” sagot ng dalaga. Habang kumakain ay sinubok ni Melchor na tanungin si Paulo kay Concepcion. Todo iwas naman ang dalaga sa usapang iyon. Nang matapos magtanghalian ay nagyaya naman si Melchor na magmall. Dala niya ang kotse niya. Hindi muli tinanggihan ni Concepcion ang alok marahil sa kalungkutang nadarama noong mga oras na iyon. Pagsakay nila ng kotse, nakaramdam si Concepcion ng kakaiba. Nang makalayo sila ng bahagya at makarating sa medyo madilim na bahagi ng Tondo ay isinara ng binata ang sasakyan. “Anong ginagawa mo?” pagtataka ni Concepcion. “Matagal na kitang gusto Concepcion, ngayon, malaya na akong gawin sa’yo ang gusto ko” sabay hawak sa mga braso ng dalaga. “Bitiwan mo ako Melchor, matagal na tayong magkaibigan. Pinagkatiwalaan kita” at nagpupumiglas pa si Concepcion. “Walang makakapigil sa akin. Sa akin ka lang. Sa akin lang !” sabay pupog ng halik sa leeg ng dalaga. Pababa ng pababa. Walang magawa ang manipis na katawan ng dalaga sa bruskong pangangatawan ni Melchor. “Sige iiyak mo lang. Masasarapan ka rin maya-maya” habang hinuhubad ni Melchor ang kanyang polo. Pagkatapos noon ay pinagbantaan niya ang dalaga na papatayin siya nito sa oras na magsumbong. Ilang araw matapos ang insidente. Hindi pumasok pa si Melchor sa paaralang pinapasukan. Ni anino nito ay hindi na nasilayan sa unibersidad.

Dalawang buwan na ang lumipas mula noong pangyayaring iyon. College week na ng kolehiyo nila Concepcion. May gaganaping isang pageant sa kanilang kolehiyo. Hindi nakapagtatakang si Concepcion ang napiling kalahok ng kanilang pangkat sa nasabing patimpalak dahil sa angkin nitong kagandahan at katalinuhan. Sa kabilang sulok ng kanilang silid ay tila may isang hindi nasiyahan sa pagkakapili kay Concepcion—si Chariz. “Matangkad lang sa akin ng kaunti yan, bakit siya agad ang kinuha?” bulong niya sa sarili. Inggit na inggit si Chariz kay Concepcion. Kada ensayo ay nakasubaybay palagi si Chariz. Isang araw bago ang patimpalak, todo sa pagpapraktis ang mga dalagang kalahok. Nandoon si Chariz at Charleen. Maya-maya’y nilapitan siya ni Concepcion na pawis na pawis dahil sa todong paghahanda. “Chariz, punasan mo naman ang pawis sa likod ko oh”, pakiusap ni Concepcion kay Chariz. Hindi kumibo si Chariz. Maya-maya’y hindi nakapagpigil si Chariz at naglabas ng sama ng loob. “Bakit ganyan ka Concepcion?Alam mo naman simula pa noong first tayo, ‘di ba? Pangarap ko iyan. Huwag mo sanang agawin ang matagal ko nang pinapangarap.” Sambit ni Chariz na nangingilid pa ang mga luha sa mata. “Wala akong inaagaw sa’yo Chariz. Hindi ko ginusto ‘to. Sana simula pa lang ay sinabi mo para hindi ko na itinuloy ang pagsali. Magkaibigan tayo, kahit kailan ay hindi ko magagawang saktan ka, alam mo ‘yan”, sabay hawak sa mga kamay ni Chariz at titig sa mata. “Halika na Charleen, wala na tayong gagawin pa dito. Hanggang dito na lang siguro tayo Concepcion”, huling sambit ni Chariz bago sila umalis ni Charleen. Lumuluha nilang iniwan si Concepcion.

Itinuloy ni Concepcion ang pagsali. Iniisip na baka magbago ang tingin ng mga kaibigan kapag siya ang nanalo. Ngunit hanggang sa matapos at magwagi sa tagisan ay hindi nakuha ang suporta mula sa mga kaibigan maliban sa isang tao—si Emman. Maghapon siyang kasama nito at katulong sa paghahanda sa paligsahan. Noong gabi ng parangal ay hindi nito iniwan ang dalaga. “Sabi ko naman sa’yo, ikaw ang mananalo. Ikaw ang pinakamaganda sa kanila. Walang sinabi sa aking diyosa”, papuri ni Emman kay Concepcion. “Salamat ha? Ang saya ko ngayong araw. Aayusin ko na lang ang gamit ko at uuwi na rin ako”, sagot ng dalaga kay Emman. “O sige, hihintayin kita, sabay na tayo umuwi.” Sagot muli sa dalaga.

Naglakad sila pauwi at nagkwentuhan habang nasa daan. “Magkagalit pa rin ba kayo? Watak watak na ang barkada. Nakakalungkot isipin, parang kailan lang ang sasaya nating magkakasama”, sabi ni Emman. “Wala akong magagawa. Hindi ko naman gusto ang mga nangyayari. Ewan ko ba”, sagot ni Concepcion. “Oo nga pala, si Jayson at Chariz, sila na. Tayo? Kailan?”, hirit ni Emman. “Anong sinasabi mo?” medyo sumimangot si Concepcion. “Alam ko namang gusto mo ako, huwag ka na magkaila. Gusto rin naman kita e, so  tayo na?” sabay akbay kay Concepcion. “Lumayo ka nga sa’kin.Anong pinagsasasabi mo? Pare-pareho kayo! Ang sasama ninyo. Pinagkaisahan ninyo ako! Isinusumpa ko kayong lahat. May araw rin kayo.Mamamatay kayo!” tumakbo siya papalayo.Sa pagtakbo ay may nakabangga siyang isang matandang babae, puting puti at mahaba ang buhok, marumi ang katawan, mahahaba ang kuko at medyo kuba. Tumalsik ang matanda sa pagkakabangga ni Concepcion sa kanya at sinabing, “mag-ingat ka iha, mag-ingat ka sa mga nais mong mangyari. Huwag mong hahayaang punuin ng galit ang iyong puso. Mag-iingat ka…” Patuloy na tumakbo si Concepcion patawid ng kalsada. Lumuluha at lutang ang isip. Puno ng sama ng loob ang puso. Hindi niya napansin ang paparating na trak na puno ng mga graba. Hindi na nakapreno pa ang nagmamaneho ng trak. Nabundol si Concepcion at tumilapon ilang metro ang inabot. Umapaw ng dugo sa kalsada. Nakabulagta ang dalaga at naliligo sa sarili nitong dugo. Nilapitan siya ng nakasagasa sa kanya. Pinulsuhan siya nito at mapalad na buhay pa siya. Isinugod siya nito sa pinakamalapit na ospital.Sa emergency room, hindi magkaintindihan ang mga doctor sa pagsalba ng buhay ni Concepcion.

Ilang oras ang lumipas, wala pa ring malay si Concepcion. “Maswerte at nabuhay pa siya sa natamong pinsala sa katawan.Comatose po ang biktima. Babantayan natin kung anuman ang mangyari, gagawin po namin ang lahat. Kayo po ba ang pamilya ng biktima?”paliwanag ng doctor. “Ako po ang nakasagasa sa babaeng iyon. Natawagan ko na po ang mga contacts sa kanyang cellphone, walang sumasagot” balisang balisa ang mamang iyon.

 

Sumapit ang umaga at wala pa ring nakakaalam sa mga nangyari. Nakatanggap ng tawag si Ms. Tessie mula sa cellphone ni Concepcion. Nagulat siya at sumugod sa ospital kung saan naroon si Concepcion. Pagdating sa ospital ay agad na hinanap kung saan ang kwarto ni Concepcion. Pagbukas niya ng pinto ay kinilabutan ito sa nakita. May matandang babaeng nagbabantay sa kalunos-lunos na si Concepcion. Nang lalapitan niya ito ay bigla itong nawala.Tumindig ang mga balahibo ng propesora. Maluhang hinaplos ang mukha ni Concepcion at awang-awa sa bata. Araw-araw na niyang dinadalaw si Concepcion sa ospital dahil walang ibang pamilya sa Maynila ang dalaga. Hindi makabyahe ang kanyang mga magulang dahil sa kawalan ng pamasahe. Mahirap lang ang kanyang pamilya sa Marinduque. Isang kahig, isang tuka kaya nagsusumikap si Concepcion na makatapos ng pag-aaral.

Lubhang ipinagtaka ng mga kaklase ni Concepcion ang hindi nito pagpasok ng ilang linggo. Piniling manahimik ng propesora sa kundisyon ni Concepcion. Habang nagkaklase, isang makapanindig balahibo na namang mga pangitain ang kanyang nakita. Napatingin siya sa gawing kaliwa sa may bintana at naaninag ang imahe ng dalawang tao. Isang lalake at isang matanda. Ang matanda ay siya ring nakita niya sa ospital. Pilit niyang tinitigan ang nasa labas. Kasama ng matanda ang isang lalakeng duguan at walang mata.Hindi niya inalis ang tingin sa dalawa. Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng silid at may nagsalita, “Sorry ma’am, I’m late.” Si Jayson ang dumating na may pinakamaraming absent at late sa buong klase.

Biyernes ng umaga, pinuntahan ni Chariz ang kasintahang si Jayson sa tinutuluyan nitong condo. Makalat ang buong unit ni Jayson. Tambak na hugasin, mga damit sa sahig, mga nagkalat na gamit at mga pakete ng chichirya ang sumalubong kay Chariz. Sa kabilang building ay maingay dahil sa isang construction site sa katabi ng tinutuluyan. “Ano ka ba naman Jayson, nakakatiis kang tumira dito ng napakaraming kalat, napakatamad mo talaga. Hindi ka man lang naglilinis.” Pasigaw na sinabi ni Chariz. “Busy ako e. Tutulungan mo naman ako, ‘di ba?” nakangiti pang sagot nit okay Chariz. Sinimulan nilang linisin ang tirahan ni Jayson. “Ayusin mo ‘yang kalat sa lababo mo, nakakarumi” utos ni Chariz kay Jayson. Pinispis ni Jayson ang mga tiring pagkain sa mga plato at inihagis sa labas ng bintana ang pinagpispisan. “Tignan mo ‘yang katamaran mo, may basurahan naman sa bintana pa tinapon, hay naku” sambit ni Chariz habang inaayos ang mga damit na nakakalat. “Mas malapit e, tsaka kakainin naman iyan ng mga aso sa labas” sagot ni Jayson. “Ewan ko sa’yo, isampay mo nga itong mga damit sa may bintana at nang matuyo.” Sabay abot sa mga basing damit. Habang isinasampay, nahulog ang isa sa mga damit na hawak ni Jayson. “Naku naman, nahulog pa, sandali lang kukunin ko iyong damit na nahulog sa baba. Labyu bebs.” Kumindat pa si Jayson kay Chariz bago bumaba. Pagbaba ay kinuha niya agad ang nahulog na damit. Nang pabalik na ay nadulas siya sa itinapong mga tiring pagkain kanina sa bintana. “Malas naman oh!Aray ko!”Sa katabing construction site ay biglang may yumanig sa may bandang itaas. Nahulog ang ilang mga sako ng semento at mga lubid mula sa ginagawang gusali. “Mag-ingat naman kayo riyan! Mga walang hiya oh” sigaw pa ni Jayson. Nasundan ito ng mga bakal at mga kahoy na nahulog din mula sa itaas. Hindi nakailag si Jayson. Nabagsakan ng malalapad na tabla ang kanyang mga binti at hindi na siya nakatayo pa sa sakit. Nang bumagsak ang mga bakal ay salung-salo ng kanyang mukha ang mga nahulog na bakal. Tuhog ang kanyang kanang mata at bibig.Nagtalsikan ang mga dugo mula sa kanyang mukha. Labas ang laman sa may kanang bahagi ng mukha niya na punung-puno ng dugo. Durog ang kanyang mga binti at hita sa bigat ng mga kahoy na nahulog. Inabutan ni Chariz ang kasintahan na naliligo sa sariling dugo at namatay ng mulat ang kaliwang mata. Nangangatog ang buong katawan ni Chariz sa nakita at humingi ng tulong sa mga tao malapit doon.

Ibinurol si Jayson sa kanilang bahay sa Cavite. Hindi makapaniwala ang mga kaibigan at kamag-aral sa sinapit nito. Noong araw ng libing, naroon lahat ng kaibigan ni Jayson. Nandun din ang kanilang propesora. Nagpakita na naman sa kanya ang matanda na nakita niya sa ospital at sa paaralan. Nakatitig ito sa kanya at biglang nawala.

Ilang araw lang mula ng nailibing si Jayson, balik sa normal ang buhay ng mga naiwang kaklase nito. Parang walang nangyari. Ngunit hindi pa rin nakakapasok si Chariz. Pagkatapos ng klase ay niyaya ni Emman si Charleen na lumabas. Sa restaurant sana gusto kumain ni Emman ngunit mas gusto raw ni Charleen sa karinderya na lang. Hindi na sila lumayo pa. Doon na lamang sila kumain sa Tapsi ni Mang Tibo. “Doon na tayo pumwesto malapit sa kusina para madaling umorder, gutom na gutom na kasi ako e” sabi ni Charleen. Doon sila pumwesto malapit sa kusina, mga limang hakbang mula sa naglulutong cook. Amoy na amoy ang bango ng bawang na ginigisa sa kawali. Sa bandang likuran ni Charleen nakalagay ang tangke ng gasolina na ginagamit sa pagluluto. Nang nakaorder ay kumain na sila, nagkwentuhan ng kung anu-ano at nagpahinga sandali. May dumaang isang bata sa likod ni Charleen at natangko ang hose ng gasolina. Sumingaw ang gas ng hindi namamalayan ng sinumang naroon. “Cha, pahiram naman ng lighter mo, yosi lang ako” sabi ni Emman. “Ako na magsisindi, magyoyosi rin ako e” sagot ni Charleen. Pagkasindi ng lighter, sumabog ang sumisingaw na tangke sa likod ni Charleen. Tumilapon si Charleen kasama ang lamesa nila ni Emman. Nakatayo pa siya habang nasusunog ang buong katawan at humihiyaw sa sakit. “Tulungan niyo ako!!” sigaw pa ng dalaga. Sunog ang buong katawan at wala ng nagawa si Emman nanagtamo ng matinding sugat sa braso. Nang maapula ang apoy, labingtatlo ang patay sa insidente kasama si Charleen, halos abo na ng makita ang bangkay nitong nakahandusay sa sahig.

 

 

Sunod sunod ang mga aksidente na nangyayari sa kanyang mga estudyante at hindi lubos maisip ni Ms. Tessie kung bakit nangyayari ang mga iyon. Gabi-gabi sa panaginip nagpapakita ang iba’t ibang imahe ng hindi makilalang mga mukha. Kung gaano siya kadalas dumalaw kay Concepcion na comatose pa rin sa ospital ay ganoon din kadalas ang pagpapakita ng matanda sa kanya. Tila sinusundan siya nito kahit saan magpunta. Isang beses sa kanilang opisina, nangamatay ang mga ilaw, siya na lang ang natirang tao roon at kapagdaka’y katabi niya na ang matanda. Hindi na lang pinapansin ng propesora ang mga nakikita.

Si Melchor na hindi pa nagpapakita mula nang tangkaing gahasain si Concepcion ay napabalitang naglalagi banda sa Cubao. Isang araw ay nakasakay si Melchor sa kanyang sasakyan na nakaparada sa harap ng isang motel. Doon maraming mga babaeng bayaran na makukuha sa mababang presyo. Wala pang isang oras na nakatambay sa sasakyan ay may kumatok na babae sa kotse niya at nagtanong, “pwede ka ba?” Isinakay ni Melchor ang babae at tutungo sila sa Antipolo kung saan tumutuloy si Melchor. Habang nasa byahe ay hindi napigil ni Melchor ang sarili. Sinunggaban ang kasakay na babae at pinupog ng halik, mula sa taas, pababa. Hinubad ang kanilang mga suot at nangyari ang gusto ni Melchor. Kahit nagmamaneho ay panay ang halikan ng dalawa sa loob ng sasakyan. Nang makarating sila sa may pakurbang daanan ay may matandang babae na tumawid. Nawalan ng control si Melchor sa sasakyan at nailiko ang sasakyan sa kanan. Isang malalim na bangin ang kinabagsakan ng sasakyan. Natagpuan ng mga otoridad ang dalawa na parehas durog ang katawan. Ang babae ay nasaksak ng mga troso na nagkalat sa paligid, pugot ang ulong naipit sa pintuan ng sasakyan. Si Melchor nama’y putol ang kaliwang braso na pumilipit sa manibela ng sasakyan. Ang mukha ay natalsikan pa ng mga bubog na galing sa wind shield ng sasakyan. Nabalitaan na lang ng pamilya at mga dating kamag-aral at guro ang sinapit ni Melchor sa telebisyon.

Tila hindi na aksidente ang mga nangyayari. Parang may nananadyang kumikikil ng buhay ngunit hindi naman maipaliwanag kung ano o sino ang gumagawa. Iyan ang mga tumatakbo saisipan ni Ms. Del Carmen nung mga oras na napanood ang balita. Pinagbilinan pa niya ang lahat ng mga estudyante na mag-ingat.

Hindi pa magaling ang mga sugat na natamo ni Emman ilang linggo matapos ang sunog. Bumisita ang mga dati niyang kaklase noong hayskul sa kanilang bahay. Nagpahanda ng makakain at nagprisentang siya na mismo ang magluluto para sa mga bisita. Inihanda ang paglulutuang electric stove, kawali at mga lulutuin. Ibinuhos ang mantika sa kawali at isinunod ang karneng lulutuin. “Mga pre, ganito ang tamang pagluluto ah?” nagyabang pa sa mga bisita si Emman. Hindi niya napansing natalsikan pala ng tubig ang kawali ang nagsitalsikan ang mga mantika sa kawali. Natalsikan ang kanyang sugatang braso at nagtatalon sa sakit. Natapakan niya ang basang basahan sa sahig at nadulas siya. Natangko niya ang kawaling pinaglulutuan at napaso ang kabilang braso. Nadulas siyang muli sa katangahan at kayabangan at nasubsob ang mukha sa stove. Lusaw ang mukha niya sa init at nagkandahulog pa ang mga kutsilyong nakasabit sa taas ng lutuan. Tagos ang matalas na kutsilyo mula sa batok hanggang sa leeg. Halos lumabas na ang lalamunan niya sa leeg at umapaw ang dugo sa kusina. Agad namang namatay ang kawawang si Emman.

Umiiyak na lumapit si Chariz kay Bb. Del Carmen. “Ma’am, iniisa isa na kami, una si Jayson, si Charleen tapos si Melchor ngayon naman si Emman, sino na ang susunod? Ako na po ba, ma’am? Natatakot po ako.” “Everything will be okay. Magdasal lang tayo at ipanalangin ang kaligtasan ng lahat. Maging ako ay natatakot.” Pilit na pinakakalma ang estudyante. Niyakap niya ito at nakita na naman ang matanda na nakangiti mula sa likod ni Chariz. Tila nagbabadya na naman ang susunod na trahedya.

Sa takot sa mga nangyari sa buong barkada, halos hindi na lumalabas pa ng bahay si Chariz. Sa bawat kilos nito ay lagi siyang may kasama at hindi pumapayag na mag-isa lang siya. Miyerkules ng umaga, may kumatok sa kanilang bahay. Ito ay ang pinsan niya. “Ate Chariz, magpapaparlor ako, sama ka? Para hindi ka naman masyadong nadedepress.” “O sige, tara. Nainggit ako dun sa buhok ng kaklase ko e. ang ganda. Magpapaayos din ako para kabog ‘di ba?” pilit niyang kinakalimutan ang mga nangyaring aksidente. Pagdating ng parlor ay agad na nagpaayos ang magpinsan. “Beks, gusto ko pakulayan ‘tong buhok ko, ikaw na bahala ah tapos panail art ako later, k?” utos pa nito sa baklang parlorista. May kalahating oras silang nagaayusan sa parlor ay may biglang pumasok doon. Mga lalaking nakatakip ang mukha. Pinipilit na kunin ang mga pera sa kaha. Nanlaban ang mga tao na naroon sa parlor, nagkabarilan, takot na takot si Chariz. Hindi alam ang gagawin.Sa sobrang kaba ay nagtangka itong lumabas ng parlor ngunit hinablot ang buhok niya ng walang awang criminal. Halos mabunot ang buhok nito at dumugo na ang mga anit. Sa pilit na pagpupumiglas ay nainis na ang lalaki at tinadtad ng saksak si Chariz. Halos lumabas na ang bituka sa dami ng saksak. Ang maputing sahig ng parlor ay napalitan ng dugo.Sa pagtakas ay pinagbabaril pa ang lahat ng naroon sa parlor. Tinamaan pa sa ilong si Chariz. Butas ang kanang pisngi at sumirit ang dugo sa bandang likod ng ulo. Naisugod pa siya ng ospital ngunit agad ring namatay dahil hindi na natanggal ang baling bumaon sa mukha.

Isa pa ring palaisipan ang lahat.Bakit nangyayari ito? Sino ang may kagagawan ng lahat? Sino pang mga susunod? Aksidente pa nga ba ang sunod sunod na kamatayan ng mga mag-aaral? Kaunti na lang ay susuko na si Bb. Tessie sa mga kaganapan. Hindi na niya kinakaya pa ang mga pagkawala ng mga estudyante niya. Hindi pa rin siya tinitigilan ng matandang nagpapakita sa kanya. Sa tagal ng pagtuturo niya sa pamantasan ay ngayon lang niya naranasan ang ganitong mga pangyayari.

 

Sa pitong magkakaibigan, isa na lang ang buhay maliban kay Concepcion na wala pa ring malay na nakaratay sa ospital. Sa unang pagkakataon ay tinawagan ni Ms. Tessie si Paulo tungkol sa kalagayan ni Concepcion. Nasa ospital si Bb. Del Carmen kasama ang mga magulang ni Concepcion. Noong araw ring iyon ay pupunta siya sa ospital. Nang naghahanda siya paalis ay nakita niyang aalis din ang kanyang nakababatang kapatid. “Hoy, saan ka pupunta? Alam mong aalis ako, aalis ka rin?Maiwan ka muna dito.Suot mo pa ‘yang pantalon ko, akin ‘yan e. Hubarin mo nga ‘yan. Pati sapatos ko bwisit ka kahit kailan e. Sino kumain ng donut ko sa lamesa? Akin lang ‘yun e” halos hindi na makasagot ang nanggagalaiti niyang kapatid sa asal ni Paulo. “Napakasakim mo kuya, kahit kailan. Gusto mo lagi, kapag sa iyo, sa iyo lang talaga. Nakakainis ka” at nilapitan pa niya ang kanyang kuya. Naliligo si Paulo ng mga oras na iyon. Nagsuntukan sila ng kanyang kapatid sa cr. Parang mga bata ang dalawa sa kanilang pag-uugali. Nagbabatuhan pa ng kung anu-ano. Nagkamali ng dampot ang kanyang kapatid at hindi sinasadayng naibato sa mukha ni Paulo ang asidong panlinis sa cr. Tunaw ang kalahating mukha ni Paulo at lumuwa ang mata sa sahig. Buong katawan nito ay nabuhusan ng asido. Ang kaniyang dibdib ay parang tosino dahil sa pagkalusaw. Nabagok pa sa inidoro ang kalunos lunos na si Paulo na kanyang ikinamatay.

Kasabay ng kaganapang iyon, ang huling pagkikita ni Bb. Del Carmen sa matandang babae. Sa tuktok ng gusali, tanaw ang matanda na inihulog mula sa taas ang katawan ng isang lalake. Nakatanggap siya ng tawag mula sa pamilya ni Paulo na namatay na ito. Doon niya napagtantong ang mga kasama ng matanda sa bawat pagkakakita niya rito ay ang mga estudyante niyang kinikikilan ng buhay. Si Jayson ang nakita niya sa tapat ng silid aralan na walang mata, si Charleen ang nakita niyang kasama ng matanda sa ikaanim na palapag ng unibersidad na sunog ang buong katawan, si Melchor ang nakita niya sa salamin na kasama ng matanda na walang braso, si Emman ang nakita niya sa opisina na may kutsilyo sa leeg, si Chariz ang babaeng kasama ng matanda noong makita niya ito sa sementeryo. Sa huling pagpapakita, si Paulo na inihulog nito sa tuktok ng gusali. Hindi pa pala huli iyon. Agad agad ay nakita niya ulit ang matanda sa rooftop din kasama ang isang babae, kulot, matangkad, maganda hubog ng katawan. Alam niya nang si Concepcion ito.Sa huling pagkakataon ay hindi niya papayagang mamatay si Concepcion. Bumaba ang mga magulang ni Concepcion na nagbabantay para kumain saglit. Siya lang ang naiwan sa ICU. Biglang sumulpot ang matanda at sasaksakin ng injection si Concepcion. Nakipagagawan si Ms. Tessie at siya ang nasaksak sa mata ng injection na may lamang alcohol. Sobrang hapdi ng kanyang mata. Nandun siya malapit sa bintana at itinulak ng matandang babae. Dalawa sila nahulog at namatay si Ms. Tessie. Sabay namang pagmulat ng mga mata ni Concepcion na ang unang nakita ay ang matandang nagbanta sa kanya noon na huwag hayaang manaig ang galit sa puso niya. Sa haba ng pagkaratay niya sa ospital, maraming nawala, maraming nasaktan, maraming nadamay dahil sa isang sumpa at galit na nanaig sa pagkatao ni Concepcion. Huli niyang nakita ang matandang babae hawak sa leeg si Ms. Tessie …

  

WAKAS

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s